Chapter Nineteen

27 0 0
                                    

"Told you, I can make it on time. Mas maaga pa nga ako ngayon." pang-aasar ni Ian.


E di good for him. At least, kahit magdamag siyang maglasing, he can keep it up on time. Ang tanong lang, is he even in the right thinking after he wastes himself? Baka naman kapag nagmaneho siya ngayon, hindi pa man kami nakakalabas ng street namin, nakailang bangga na kami. Naku, subukan niya lang talaga!

And just to tell him, dapat lang talaga na maaga siya 'cause he has to help me in preparing all what we need for the trip. Ayaw niya naman sigurong sirain ang role niya matapos niyang mag-aya ng iba pang kasama.


I make a glare at him. "Dapat lang, ilang beses ko ba naming inulit sa'yo yun." saka ako bumalik sa ginagawa kong sandwiches. "And don't ever dare to put my life in danger!"

He came up to me, defending himself.  "For your information, kahit naman nalasing ako, I leave it all behind last night. Though, I still have a hang-over today, that doesn't mean I have to put your life at risk."

"Good. Just making sure of it."

Hindi na siya nagsalita pa at tumulong na rin. Buti na lang kay Mama siya pumunta dahil ayoko ng may nanggugulo lalo na at marami pa akong kailangang gawin.


"May matitirhan ba kayo doon? Siya nga pala, ilang araw ba kayong magtatagal?" natanong ni Mama habang inaalalayan ni Ian isalansan yung ibang mga babaunin namin.

"May mga villa na naman pong mauupahan doon. Hindi naman po gaano ang turista ngayon kaya madali na lang po kami makakahanap ng matutuluyan. Huwag ka nang mag-alala Ma. Atsaka, baka mga isang linggo rin po kami sa Baguio, depende na lang po kung gusto pang magtagal ni Ian." sumagot ako nang hindi man lang tumitingin sa kanya.


"Why don't you even join us, Tita? You were too busy working, why don't you give yourself a time to relax?" paagsingit na tanong ni Ian.


Trust me Ian, I did already asked her. Well, the thing is, kailangan isupervise ni Mama ang business so a one-week vacation would not be that great news. Lalo na kung mas marami pa palang problema ang kailangan niyang salubungin pagbalik niya.


"Naku Ian, I would be delighted to join pero baka Lalo pa akong ma-stress pagbalik ko." See?

"Ehh bakit po ba hindi na lang kayo mag-hire ng makakatulong niyo para hindi kayo naiistress nga ganyan."


Another point I've been stressing out to her. Mas gugustuhin pa kasi ni Mama na siya na ang maghandle ng buong finance para nababantayan niya rin ang performance ng business. And besides, dito niya daw kasi nagagawang ma-practice ang tinapos niya. She can be selfish, somehow.

But well, yun ang gusto ni Mama. Susuportahan ko na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin.


"Ang sweet naman pala nitong si Ian." tuwang-tuwang pagdedeklara ni Mama. Akala niyo lang.


Nang-iiwan kaya yan sa ere. At some point, gagawa ng kalokohan tapos idadamay ka pa, at pagkatapos, ikaw na bahalang magsalba sa sarili mo.

Binigyan ako ng mayabang na tingin ni Ian. Hay naku! Nakahanap na naman siya ng kakampi niya!


"Balik sa tanong mo hijo, hindi na naman kailangan yun, kaya ko na naman." Napairap na lang ako ng tago. Hindi ko talaga lubos na maintindihan kung bakit gusting-gusto ni Mama ang nahihirapan siya. "At isa pa, ayoko namang makigulo pa sa inyong mga kabataan. Baka kamuhian niyo pa ako sa pagka-KJ ko, kaya mabuting kayo na lang."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon