Hindi ko na inabala pa si Ian. Tutal naman ay may nakuha na kaming taxi.
Tahimik kaming dalawa ni Ate Ruth habang nasa byahe. Wala akong maisip na pwede naming pag-usapan matapos iyong nangyari kanina. Hindi rin naman siya nagsasalita.
Isa pa, hindi matahimik ang isip ko. Gusto ko talagang malaman. Gusto kong marinig.
"Didn't I told you--"
Hindi ko na pinatapos pa si Ian. "Tama na. Nakauwi naman kami ng maayos ehh. Besides, pagod na ako. Bukas na lang tayo mag-usap. Goodnight Ian!"
Hindi ko na hinintay pa ang mga susunod niyang sasabihin. Masyado nang sumasakit ang ulo ko kaya wala ring kwenta kung ilang beses man niya akong pagsabihan ngayon.
Umakyat na ako sa kwarto at saka ibinaba ang mga pinamili. Dumiretso ako ng banyo at saka nag-shower.
Hindi iyon dahil sa gusto ko - kung pwede nga lang suot ang jacket habang naliligo. Sa tingin ko nga ay mas malamig pa ngayon kesa nitong mga nakaraang mga araw.
I just want to ease all the negative vibes. Gusto kong mag-relax sa hot tub. Hydrotherapy kumbaga. Gusto kong tanggalin ang stress at ma-relax lang ang pag-iisip ko.
But I guess that had just become a way for me to focus more on what is ravaging my mind.
Si Logan. Ako. Ano na bang meron sa'ming dalawa ngayon? For sure there are changes but to clearly state about everything, I can't detail it out.
I honestly don't know why I'm hating him. Even, why am I asking this. I mean, umalis ako dito na maluwag ang kalooban, magkaibigan kami, hindi ba? And I'd moved on, just like the way I was planning to. So we're good.
Pero kasi, iba ang pinapakita niya sa akin ngayon. He's crossing the line, I can sense it.
Evidently, cause he broke his promise!
And I'm hoping that it's not his promises...
Sabi na nga ba't hindi maganda ang naging pagpunta namin dito lalo na't kasama pa siya. At sinisisi ko si Ian dahil doon. Sana, agad na rin akong bumalik ng Amerika para hindi ganito kakumplikado. Hindi na naging ganito pa kakumplikado.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang mainit na tubig. Ilang araw na lang naman ang itatagal namin dito, ano pa ba ang pwedeng mangyari sa mga araw na iyon di ba?
Isipin ko na lang siguro ang magiging bunga nitong mga paghihirap nito. Boracay...
Wala kaming masyadong schedule ngayong araw. Tanging Philippine Military Academy lang ang itinerary namin. Kaya nagpasya na rin kami na magkaroon ng barbecue picnic-lunch sa Camp John Hay. When the fact is, Ian was just using it as an excuse so he can play golf once more.
Okay na rin siguro yun kesa naman tambay lang kami sa bahay.
"Night out ulet tayo mamaya. This will be our last night, so we better enjoy it"
Oo, bukas na ang uwi namin. Pero bago kami bumyahe pa-Manila, maglilibot muna kami sa La Trinidad. May ilang itineraries din kasi kami doon, including the Strawberry Farm.
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Novela JuvenilNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?