Chapter Thirty-Three

20 0 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Ni hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako, pero sa tingin ko naman ay kahit ilang oras ay nakaidlip din ako.


Sumisimsim ako ng hot chocolate habang pinapanood ang medyo foggy na kabuuan ng Baguio mula doon sa balkonahe ng bahay.


Mas lalo atang lumalamig kada nag-aadvance ang mga araw. Hindi naman ganoon kalamig katulad ng nasa Massachusetts pa ako, but still...

This is our last day in Baguio. Maaga kaming babyahe papuntang La Trinidad para masulit pa yung ilang gagawin naming pamamasyal. Nang sa ganoon, pagdating din ng hapon ay makauwi na kami pabalik ng Manila.


Naaninaw ko si Ate Ruth na pababa ng hagdanan. Kumusot-kusot pa siya ng mata. Nakita niya rin siguro ako kaya sa balkonahe ang punta niya.

"Ano yan?" Agap niyang tanong nang nakita ang iniinom ko.

"Hot chocolate. Gumawa ako kanina pagkagising ko, masyado rin kasi akong nilamig. Gusto mo ba?" Alok ko sa kanya

Tumango naman siya.

Pumunta ako ng kusina para kuhaan siya ng isang tasa ng tsokolate.

"Ang aga mo naman ata nagising. Masyado na tayong late nakauwi kagabi, natulog ka ba?"

Tumawa ako. "Idlip lang. Masyado lang siguro akong na-excite para sa Strawberry Farm" Iniabot ko sa kanya yung tasa.

"Salamat" Bulong niya sabay ihip doon sa tsokolate. "Mamimitas ngs pala tayo ng strawberries, ano? Kailangan na bang gisingin yung dalawa?"

Umiling ako. Dinaluhan ko siya sa pag-upo doon sa may couch. "Maaga pa naman. Paniguradong may hang-over pa ang mga yun. Jogging na lang muna tayo, gusto mo? Masyadong malamig, gusto ko naming pagpawisan."

Sumang-ayon naman siya doon sa suhestyon ko.


One thing I'd miss within this trip is going for a jog. Masyadong nakakaaliw ang klima, kaya ang sarap matulog. O kung di naman kaya ay planado na ang araw namin, kaya walang oras dapat ang masayang.


Nagpahinga kami matapos ang tatlumpung minutong pagpapapawis. Naglakad-lakad muna sa park habang habol ang hininga.

"Yan, hindi na masyadong malamig!" Isang ngiti ang ibinigay ko pagkaharap ko sa kanya.

Tumango siya. "Mas maganda pa rin talaga kapag hati lang yung klima. Hindi masyadong mainit, hindi rin masyadong malamig." I agree. "Sa Amerika ba?"

Lumagok ako ng tubig. "Naku, sobrang lamig doon kapag winter. Hindi mo na halos gugustuhing lumabas pa ng kwarto. E kaso , wala kang magiging choice kasi may klase pang kailangang puntahan. Masyado pa namang malayo ang agwat ng mga buidings doon. Maninigas ka muna sa lamig bago makarating sa klase mo."

Sabay kaming tumawa.

"Pareho lang pala ng U.P."


Like the first time I described it. Kaya nga parang maiisip mo na lang din na nasa Maynila ka lang, only that, there are different facial genes you can see around Harvard. Pero meron din namang ganoon dito, dahil na rin sa mga exchange students o di kaya ay mga foreigners na nag-aaral sa bansa.


"Almost." Pagkikibit-balikat ko."Kaya nga swerte mo kung halos nasa gitna lang ng lahat yung dormitory na tinutuluyan mo. Well, it was good for me, dahil hindi gaano ang nilalakad ko. Sila Ian ang hindi. May kotse naman siya so I guess, it wasn't much of a burden."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon