Chapter Thirty-Five

26 0 0
                                    

Tulala ako matapos ang pangyayaring iyon. Bigla na lang nanlambot ang mga binti ko kaya kinailangan ko ang suporta ng isang upuan malapit lang sa'kin. Nawala na rin ang gana kong kumain ng cupcake.


Ano bang pwedeng mangyari sa isang gabi?

The answer is... ANYTHING VERY UNEXPECTED.


Hinawakan ko ang labi ko. Kaso hindi naman iyon nagtagal dahil agad akong napahawak sa dibdib ko. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

Nagising ako sa pagkakatulala nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.


'Angela! Sorry, nandito ako sa bar! Nagtext pala si Tita sa akin! Mahihintay mo ba ako diyan?!' Halos sumigaw na siya sa akin. Rinig na rinig ang ingay mula doon sa malakas na patugtog ng DJ.

Masyado pa akong tigagal sa nangyari kanina kaya hindi ako agad nakasagot sa kanya.

'Angela!'

Sa isang sigaw na iyon ni Ian, saka ko lamang tuluyang nagising ang sarili ko. 'A-ano ulet?'

'Sabi ko kung mahihintay mo ba ako? I'll just finish my drink tapos pupuntahan na rin kita diyan! Sabi kasi ni Tita, wala ka daw matutuluyan ngayon, wala siya diyan!'

Nilayo ko na sa tenga ko ang phone.


Oo! Alam ko na!

And is it hard for him to go outside for a while nang sa ganoon ay hindi siya sumisigaw sa akin ngayon? 


Huminga ako. 'Meron na. Dito muna ako kila Logan ngayon matutulog.'


Isang nakakabinging katahimikan ang namuo sa aming dalawa. Well, the oozing sound inside the bar may still be heard, but the irritating sound of his voice is now gone. I wonder if he heard me or what.


'Ian?'

'Yeah, yeah. I heard you. So... you're staying there? For the night?'

'Even if I don't like to, but do I have a choice? Isa pa, isang gabi lang din naman. Nakiusap kasi sa akin si Tita Marie kung pwedeng sa kanila muna ako, and I don't have a choice but to say yes anyway' Nangungunot pa ang noo ko.

Tumawa siya. Lasing na ata ang isang 'to. 'Well, goodluck, my friend! Tumawag ka lang kapag kailangan mo ng tulong! Ba-bye!' Sabay baba niya ng telepono.

Napaawang ang bibig ko saka tiningnan na lang ang cellphone ko nang matapos ang tawag. "Really, Ian?"


Dahil na rin siguro na-divert ang atensyon ko mula doon sa iniisip ko kanina, kaya nagawa ko nang pumanhik sa taas. Pumasok na ako sa guest room at saka inilapag ang mga gamit ko doon sa sahig.

Dumiretso ako ng banyo para kahit papaano ay makapaghilamos.

Nang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, agad napadako ang mga mata ko sa labi kong halatang pumula ngayon. Hinawakan ko ulet yo'n.


Hindi na naman bago sa akin ang mahalikan a, kaya bakit ba napaka-big deal ng ginawa niya? Tss.


Marahas kong ibinaba ang kamay ko at saka na tumalikod sa salamin. Humiga na rin ako at agad ko naming naramdaman ang comfort na ibinigay sa akin ng kama.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon