Chapter Fifty-Three

35 0 0
                                    

Ang tanging nararamdaman ko lamang ngayong nakaluhod siya sa harap ko at sinasabi ang mga katagang iyon ay sakit.

Masakit na marinig sa kanya 'yon ngayon. Bakit ngayon?

Siguro nga nakita ko nang mangyayari ito dahil sa mga sinasabi nila sa akin, pero binabalewala ko iyon because at some point, I'm hoping everything is only a mere delusion. Umasa na ako noon at ayoko nang maulit pa iyon ngayon.


Inayos ko ang boses ko. Tinago ko pansamantala ang luhang gusto nang pumatak sa mga mata ko. Isinantabi ko ang sakit at ipinakita sa kanya ang isang napakagandang ngiti.


I hope it's just a joke. Please let this be a trick.


"Ewan ko sa'yo, pagpapraktisan mo pa talaga ako." Tumayo na ako para naman matanggal ang ilang na nararamdaman ko.  Naging hudyat din 'yon para mabitawan niya ang kamay ko. "Pero wag kang masasaktan ahh, ang pangit ng ganoong line, wala ka bang mas magandang pwedeng sabihin?"


Ang pangit dahil ayokong marinig sa kanya 'yon. That's the least thing I expect when I came back. Those words are the worst things I never wanted to hear.


Hindi siya tumatayo pero kahit hindi ko man makita ang mga mata niyang nakatitig sa akin, pilit ko pa rin yo'ng inilayo.

"Mag-isip ka na lang ng mas maganda tapos saka mo na sabihin sa akin para masabi ko kung okay na 'yon. Aakyat na rin ako, goodnight luga!"

Handa na akong tumalikod nang muli niyang nahuli ang isang kamay ko.

Bumuntong-hinga ako.

"Kakauwi ko lang, pagod din ako. May kailangan pa akong tapusin. Bukas na lang tayo mag-usap." Hindi na naiwasan ng boses ko ang pagseseryoso. Kasabay no'n ay ang paghila kong muli sa kamay ko.

"Hindi ako nagbibiro..."

Hindi ako nagsalita.

Naramdaman ko ang pagtayo niya sa gilid ko. Kahit hindi man ako tumingin sa kanya, alam kong nakatutok ang mga mata niya sa akin.

"Hindi kita pinagpapraktisan. Lahat ng sinabi ko totoo at para sa'yo talaga yo'n. Tatanggapin ko ang sinabi mong pangit pero hindi yo'ng hindi 'yon totoo. I kept this for years, so why should I lie... now?"

Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko dahil kahit anong oras man ngayon, pakiramdam ko'y sasabog na ako.

Pilit niyang niyayapos ang kamay ko.

"Hi-hindi ko alam kung paano, kailan, saan nangyari, basta ang alam ko na lang isang araw mahal na kita. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko lang iyon nang umalis ka."

Ipinikit ko ang mga mata ko. Ginamit ko ang isang kamay ko para punasan ang luhang kumawala na sa mga mata ko.

"Alam kong nangako ako sa'yo. Hindi ko yo'n nakalimutan dahil hanggang ngayon, binabangungot pa rin ako ng mga pangakong iyon. Pinigilan ko, sinubukan kong tuparin, pero wala... hindi ko na kayang magsinungaling pa sa sarili ko."

Unti-unti kong narinig ang paghikbi niya.

"Nasasaktan ko na si Ruth, and as much as I want to continue everything despite what I'm feeling..." Naramdaman ko ang panghihina ng mga kamay niya dahilan para lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. "Hindi ko siya kayang makitang masaktan pa. Hindi ko lang siya naging girlfriend, Angela, naging kaibigan ko muna siya. At ang makita siyang nasasaktan ng ganoon nang dahil sa akin, ako na sumira sa pagkakaibigan namin, ang pakawalan siya ang nararapat ko lang gawin. Yo'n na lang ang tanging paraan para maibsan ang sakit ng lahat."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon