Chapter Six

73 1 0
                                    

"It's really been the best night, girls! Let's do it again next time!" Lasing na talaga 'to si Daphne. 

"Daph, c-could you please bring yourself up? You're heavy!" sabi ni Bettina kay Daphne. Siya kasi ang umalalay kay Daphne tapos ako naman ang umalalay kay Ali. 


Mabuti na lang at mas maliit si Ali sa akin kaya medyo magaan. Halos tulog na rin 'tong isang 'to kaya hindi na masyadong mahirap kargahin.


"Tell me, we'll do it again next time!" pasigaw na kung magsalita itong si Daphne. 

Tumango-tango na lang si Bettina at saka sinikap na alalayan si Daphne na nagpapabigat pa lalo. Halakhak pa ang sinusukli nito.


-


"How's Daph?" tanong ko nang sundan niya na ako sa may sala. 


Mas nauna kong maiayos si Ali sa higaan dahil prente na rin itong tulog. Samantalang si Daphne, puspusang dasalan pa ang kailangang gawin para lang matulog na.


"She's asleep... finally!" saka siya huminga ng malalim at umupo sa tabi ko. Pabagsak niyang inilagak ang katawan niya doon sa malambot na sofa. "Looks like my backbone is broken, she's too heavy!" asar pa niyang usal.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Glad, Ali's the smallest." at saka ako sumimsim sa mainit na kape na tinimpla ko kanina bago pa man din siya bumaba.

Tumingin naman siya sa akin ng masama. "Next time we're gonna do this, you'll carry Daphne!" May pagbabanta sa boses niya.

Natawa naman ako. "Yeah. Next time!" I gave a promise. Baka lalo pang maasar.



"How long are you driving?" pagbubukas ko ng usapan nang ilang segundong katahimikan ang bumalot sa buong sala.


Ang kotse kasi ni Daphne ang ginamit namin para makapunta doon sa bar. Maging sa pag-uwi namin ay yun din ang gamit namin. 

Noong una, nagkaroon ng problema. Dahil nga sa lasing na lasing na si Daphne ay hindi niya na kakayanin pang magmaneho. Si Ali naman, tulog na at isa ring lasing. Kaming dalawa lang ni Bettina ang maayos-ayos pa. Kung ako naman, hindi ako marunong magmaneho. Nagkatinginan tuloy kami.

Sa bandang huli, siya na ang nagmaneho. 


"It's not that long. I gave up driving when I failed the test. It's like almost one year ago?" sagot niya naman sa akin habang nakapikit na ang mga mata at nakahilig ang ulo niya doon sa sofa.


Halata ngang hindi niya napasa ang driving test. Marunong naman si Bettina but not like someone you can trust, who can drive you safely. 

Halos ilang beses kaming bumangga sa ilang bin ng basurahan sa daanan kanina habang pauwi. Muntikan pa nga sa isang puno. Buti na lang at napihit niya ang manibela pabalik sa dinadaanan naman talaga ng mga sasakyan.

Ilang bukol at sugat rin siguro ang makikita namin bukas sa kanya-kanya naming mga katawan dahil kung maka-preno siya, akala mo wala nang bukas. Takot atang bumangga. Kahit wala namang humps o sasakyan sa harap namin, panay ang tapak niya sa brake.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon