Dear Pa,
Happy Thanksgiving!
Mukhang kailangan ko po munang magtiis ngayon. They're all required to go home, maski rin naman po ako, gusto ring pauwiin ni Mama. Pero di naman po katulad nila Betty, ilang milya ang layo ko sa kanya. There's only four days of rest so I suggest, I should just stay here. After all, we're gonna have an early Christmas break, meaning, mas maagang mangyayari ang iniiwasan ng karamihan (examinations).
Maybe I'll just stay more in the library or take the books away the university like the cafe? Whichever has the greatest suit. Whichever is the less boring.
I'll be fine Pa. Siguro naman po maiintindihan din ni Mama ang sitwasyon ko. Nakakailang promise na po ako sa kanya pero hanggang ngayon, drawing pa rin iyon. Di bale, makakabawi rin po ako.
-----
Dear Pa,
Nakakabingi ang ingay dito. May iilang mga estudyante rin naman pero mukhang matatahimik po ata ang natira sa buong hall. Lalabas na lang po muna siguro ako pero sandali lang, malamig na rin po kasi ngayon.
Tatawagan ko din po pala si Mama pagkalabas ko, may gusto po ba kayong ipasabi? Haha, joke lang po. Pero ipapaalala ko po sa kanya yo'ng lagi niyong bilin.
Sige na po, babalik din po ako agad.
-----
Dear Pa,
I love you raw po sabi ni Mama. Ayyieehh!
Syempre love rin kita Pa pero alam ko namang matibay ang samahan niyo ni Mama, sayang nga lang at maagang natapos.
Anyway, nakapagtingin-tingin po ako kanina ng mga pwedeng ipang-regalo. Nakapagdesisyon po ako na mamili na habang ongoing pa ang holiday, para mas marami pong discount. Sa mismong Pasko na po siguro ang kalahati.
May binili ako sa'yo Pa, paniguradong magugustuhan mo iyon. Ipapadala ko po kasabay ng kay Mama, sana magustuhan niyo.
-----
Dear Pa,
Sorry po, hindi kasi ako makatulog kaya panay ang kulit ko sa inyo. Pasensya na po pero may parang bumabagabag sa akin ngayon.
Si Logan po ba iyon, Pa? Siya kaya talaga yo'ng nakita ko kanina?
Pero baka hindi naman, baka kamukha niya lang o namamalik-mata lang ako? Kailangan ko na po talaga sigurong itulog ito. Maaga pa po akong mamimili ng ibang panregalo bukas. Goodnight po!
-----
Dear Pa,
Isang araw na lang at balik na naman ang klase. Sa wakas, magiging maingay na naman po itong kwarto. Babalitaan po kita sa mga kwento nila. For sure Daph will never leave any detail behind. Alam mo naman po iyon.
Tinawagan po pala ako nila Ate Kristen kanina, naeexcite na sila sa Christmas season kahit ako rin naman. Yo'n nga lang po hindi ko sila makakasama para magkasabay-sabay ang excitements namin.
Nakita ko rin po si luga, sabi na nga ba at hindi siya yo'ng nakita ko isang gabi. Masyado pong kuripot ang isang yo'n para lumipad ng ilang milya tapos ay uuwi rin sa loob ng isang araw. Tsaka ano naman pong magiging sadya niya kung sakali?
-----
Dear Pa,
Dapat daw ay sumama ako kay Daphne no'ng weekend. Hindi para maipasyal niya ako kundi para gawing panakip-butas lang para maiwasan ang mga pinapagawa ng Daddy niya. Loko talaga yo'n. Buti nga siya buhay pa ang papa niya.
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Teen FictionNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?