Chapter 10

2.3K 30 0
                                    

Chapter 10

"Malapit na ang 2nd birthday mo baby. Ang bilis na panahon" masayang sabi ko sa anak ko.

"I saw your scores. You failed the exam of one subject" sabi ni Vaughn kaya napatingin naman ako sakanya.

Oo nga pala, sa araw na iyon ay nastuck yung utak ko dahil sa sinabi ni Jaz sakin. Akala ko ay nasagutan ko ng maayos ang mga test paper ko pero may isang test paper pala akong mali lahat dahil nalutang ako.

Tinago ko iyon kasi ayokong malaman niya pero nalaman niya pa rin. Haysss, hindi na ako magtataka. Nong first day of school ko nga ay inapproach ako ng isa sa mga professor ko saying that she was informed by him na papasok ako as a new student so probably ang prof na iyon ang nagsabi sakanya o di kaya ay yung mga may posisyon sa school. I just heard kamakailan lang na isa yung apilido niya sa mga taong nag invest para sa school na iyon.

I put Angelo in his crib saka inabot sakanya ang paboritong laruan niya.

"Babawi ako next sem, na occupy kasi yung utak ko kaya nalutang ako nong exam" sabi ko.

"You're distracted. Tell me what distracts you" sabi niya.

"Huwag mo sanang isipin na dahil iyon kay Dion o sa mga lalaking nagbibigay sakin ng valentines gift" sabi ko.

"Then what else?" Tanong niya habang nakacross arms at nakataas ang kilay kaya mariin naman akong napapikit.

"Please huwag kang magalit sakin. Hindi ko naman iyon sinasadya. Saka nong araw lang yun nangyari, hindi na iyon mauulit" sabi ko.

"Then tell me what distracts you during that time" sabi niya. "Tell me woman!" pamimilit na sabi niya.

"Please wag mo akong pilitin" sabi ko.

"Tell me or else...." pagbabanta nito.

"Ikaw! Ikaw yung iniisip ko that time" sabi ko na ikinakunot noo niya.

"And why would you think about me?" Tanong niya.

"May sinabi kasi yung kaibigan kong si Jaz sakin tungkol sa pagiging surrogate mother" sabi ko.

"So she knew?" Tanong niya.

"Sinabihan ko siya, pero alam ko namang hindi niya iyon ipagkakalat sa iba" sabi ko.

"What did she tell you?" Tanong niya.

"Na hindi required sa surrogacy ang sex" sabi ko na ikinaliit ng mapupungay niyang mga mata.

"Then?" Tanong niya.

"Napaisip lang kasi ako, bakit tayo nagsex kung hindi naman pala iyon required? Alam mo ba ang tungkol dun o pareho tayong dalawa na walang alam?" Tanong ko.

"What do you think?" Tanong niya kaya napahinga naman ako ng maluwag.

"Sabi ko na nga ba eih, pareho nating hindi alam yun at ang alam natin ay tanging sex lang ang nakakapagbuo ng baby kaya natin ginawa yun" sabi ko.

"Tsk, I know" sabi nito na ikinatingin ko sakanya.

"Ano?" Tanong ko.

"I know how surrogacy works" sabi nito.

"Edi bakit?" Tanong ko.

"I just want to" sabi niya kaya napatakip naman ako ng bibig dahil sa gulat.

"So sinadya mo talagang kunin yung virginity ko?" Tanong ko.

"Go to sleep, you still have a class tomorrow" sabi nito sabay alis na.

I was still left dumb founded.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon