Chapter 25
"Wala naman kasi akong ganun at saka hindi naman ako marunong sa mga ganyan" sabi ko.
"Ang yaman yaman ng ama ng anak mo tapos hindi ka man lang hinire-an ng make up artist? O baka naman ayaw lang niyang gumanda ka lalo at makakuha ng atensyon ng mga kalalakihan dahil magseselos siya?" Tanong niya.
"Ano ba ang pinagsasabi mo Jazel? Amh Dion salamat sa pagdala sa toga ko ha" baling ko kay Dion na agad namang inabot sakin ang toga ko.
"Aishh, halika nga rito" naiiritang sabi ni Jazel sabay hila sakin papunta sa restroom.
"Jazel be careful with her!" sabi ni Dion.
"Oo na, lalabas din kami kaagad" sabi ni Jazel sabay sara ng pinto ng restroom.
"Bakit ba tayo nandito? Gusto mo bang magbanyo? Nagsabi ka nalang sana sasamahan naman kita, bakit mo pa ako kinaladkad papunta rito?" Tanong ko.
"Memake-up-an kita, kinaladkad kita rito dahil alam kong hindi ka papayag. Pero ngayong narito na rin tayo sa loob ay diba wala ka ng choice?" Tanong niya.
"Haysss, hindi naman talaga toh kailangan eih" sabi ko.
"Mabilis lang toh pramis" sabi niya kaya wala naman akong magawa kundi ang tumango nalang.
Hindi ko alam kung ano ang pinanggagawa niya sa mukha ko basta ang alam ko lang ay pumikit lang ako, nagpout, at nagmake face. Bigla naman siyang natahimik kaya minulat ko naman ang mga mata ko sabay kunot noong tiningnan siya.
"Tapos na ba?" Tanong ko sakanya.
"Kyahhh! Ang ganda ganda mo. Ang ganda mo lalo! Look at yourself in the mirror girl" sabi niya kaya napatingin naman ako sa salamin.
"Wala namang nagbago" sabi ko.
"Ay wow na offend ako dun ha. So sinasabi mong ganyan talaga yung natural beauty mo even without make up? Paano nalang akong kumakapit sa make up kung ganun? Pangit na nga kapag walang make up tapos nadagdagan lang ng 2 percent ang ganda ko pagmerong make up ganun?" Sarkastikong tanong niya sakin.
"Lahat namang tao sa mundo ay magaganda at gwapo dahil pareho lang naman tayong lahat na ginawa ng Diyos kaya maganda ka Jazel with or without make up" sabi ko.
"Ayan kana naman sa pagiging banal mo eih. Anyways, ang laki kaya ng pinagbago mo oh, maslalong mapapaibig sayo yung mga lalaki sa school. I bet they are waiting for you, pinakalat ko kasi na aattend ka ng graduation kaya gustong gusto kana nilang makita ngayon" sabi niya.
"Sana naman hindi ako dumugin ng mga lalaking iyon ng dahil sa ginawa mong pagpapakalat nun. At saka ayokong umuwi ng maraming dala, hindi iyon kakasya sa chopper" sabi ko.
"Ano? Nagchopper ka papunta rito?" Gulat na tanong niya.
"Haysss tara na nga, nagsimula na siguro yung event" sabi ko sabay suot ng toga ko at lumabas na ng restroom.
"Amie, is that you? You look so different" manghang sabi sakin ni Dion.
"Wag mong titigan ng maigi Dion, sige ka baka mahulog ka ng husto niyan" sabi ni Jazel.
"Ano ba kayo? Tara na nga lang" inis na sabi ko saka nauna ng maglakad.
Nang makapasok na kami sa hall ay agad kaming pumasok sa loob at hinanap aang upuan namin. Nakayuko pa naming tinungo yung upuan namin sa kadahilanang nagsimula na yung event, ni hindi man lang kaami nakasali sa opening ceremony dahil sa pambubulabog ni Jazel sa mukha ko.
"Amie ikaw ba yan? Muntik ka na naming hindi makilala, mas lalo kang gumanda" kalabit saakin ng lalaking nasa likuran ko kaya nginitian ko naman siya.
"Salamat" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomanceSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...