Chapter 12
"What did you say?" Tanong ni Vaughn.
"Wala, ang sabi ko delikado kung jan mo ilalagay ang baril mo dahil baka makita pa iyan ng anak mo tas matakot pa yun sayo" sabi ni Lawrence.
"Where is the thing I asked you to evaluate?" Tanong ni Vaughn sakanya.
"Narito sa flashdrive na ito. Nasa hidden file at ang password ay Lawrencegwapo123" sabi ni Lawrence sabay lagay ng isang flashdrive sa mesa ni Vaughn.
Napatingin sakanya si Vaughn dahil sa narinig nitong password kuno. Kinuha nalang nito ang flashdrive saka sinaksak sa laptop niya.
"So they are making a move already" sabi ni Vaughn.
"Mukhang nakarecover na sila sa pagsabotage mo sa base niya 7 years ago. Hindi parin sila natututo at gusto ka pa rin nila pabagsakin. They are so eager to take everything from you" sabi ni Lawrence.
"Focus on the underground from now on" sabi ni Vaughn.
"Okay. Ngayon na nakabalik na ang mga kalaban hindi ba't delikado na ulit ang buhay ng mag ina mo? Aren't you planning na patigilin muna si Amie sa pag aaral niya and do it online instead?" Tanong ni Lawrence.
"Her graduation is coming, she doesn't have to switch into online" sabi ni Vaughn.
"Pero nakalimutan muna ba ang ginawa sakanya ng mga yun noon? Siguro nga kung hindi mo lang sinabotage ang base ng mga tarantadong iyon ay malamang hanggang ngayon gingulo ng mga gagong iyon ang mag ina mo. At paniguradong doble ang galit nila ngayon sayo dahil sa nangyaring yun. Namatay si Valderian dahil sa sabotahe kaya ngayon ay ang panganay na anak niya na ang namumuno sa organization iyon at malamang maghihiganti iyon sayo" sabi ni Lawrence.
"I will triple her security outside" sabi ni Vaughn.
"Buti naman kung ganun. Akala ko talaga ay napabagsak na natin ang organization na iyon pero hindi naman pala mapuksa puksa. Ano na ang susunod mong plano ngayon?" Tanong ni Lawrence.
"For now we should occupy them first" sabi ni Vaughn.
"Haysss, babalik na naman sa overtime work. Sana talaga ay mayroon din akong katulad ni binibining Amie na mamasahiin ako. Nakakainggit ka talaga" sabi ni Lawrence kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Vaughn kaya napapeace sign nalang ito.
Amie's POV
Papunta ako ngayon sa opisina ni Vaughn para ihatid sakanya ang isang platito na may cake.
Kumatok muna ako saka pumasok sa loob. Nadatnan ko naman room si Angelo na nakaupo sa kandungan ni Vaughn na para bang may pinaguusapan na kung ano mang seryosong bagay.
"Angelo diba I told you na maghintay ka sakin sa kwarto mo? Malapit na mag 8 pm you have to sleep na" saway ko sa anak ko.
"I'm just here to say goodnight to daddy, mommy" sabi nito.
"Tapos kana ba? Bumalik kana sa room mo" sabi ko kaya bumaba naman ito sa kandungan ng daddy niya saka lumabas na ng opisina kaya napatingin naman ako kay Vaughn.
Linapitan ko ito saka inilagay ang cake sa mesa niya. Ito kasi yung cake ni Angelo na kami mismong dalawa ang nagbake, gusto niya itong ipakain sa daddy niya kaya heto ako ngayon dinadalhan ng cake si Vaughn sa opisina niya.
"From now on, you'll sleep in my room" sabi ni Vaughn na ikinanlaki ng mga mata ko.
"Kinulit ka ba ni Angelo tungkol rito? You know pwede mo naman siyang tanggihan, kapag lagi mo siyang pinagbibigyan baka maging spoiled na siya" sabi ko.
"He said that this will be the last time" sabi niya.
"Pero kahit na. Teka lang kakausapin ko lang ang batang iyon" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomanceSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...