Chapter 1

4.1K 45 0
                                    

Chapter 1

Amie POV

Heto ako ngayon nagtatago na parang daga. Natatakot ako, hindi dahil sa kalagayan ko kundi sa sanggol na hawak ko ngayon na walang iba kundi ang anak ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang nasisigurado ko lang sangayon ay kailabgan na naming makalayo at makaalis sa hospital na ito nang hindi makikita ng lalaking iyon.

"Fuck! Where is that fucking woman? Damn!" rinig kong malakas na sigaw ng isang baritonong boses na maslalong ikinanginig ng katawan ko sa takot.

"Boss patawad pero hindi namin siya mahanap" sabi ng isa sa mga tauhan niya.

"I know that she's still here, she can't escape from me! No one escapes from me, not even that gold digger bitch and especially not my child!" inis na sabi ng lalaki kaya napatingin naman naman ako sa anak ko na tahimik lang habang nakatingin sakin kaya hindi ko napigilang mapaiyak.

Baby patawarin mo ang mama mo kung nadamay ka sa gulo niya ah. Mahal na mahal ka ng mama mo at lagi mong tatandaan iyan. Hinding hindi kita susukuan at isusuko lalo na sa halimaw mong ama. Patawarin mo si mama kung muntikan ka na niyang ipagpalit sa pera, patawarin mo ako.

"Boss nakita napo sa CCTV kung saan huling nakita yung babae" sulpot ng isa pa niyang tauhan kaya agad naman silang nagsialisan.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at agad na tumakbo palabas ng hospital. It's like I'm running from death sa sobrang bilis ng takbo ko dahil wala akong pake sa mga pasyenteng humaharang sakin dahil itinutulak ko ito paalis sa dinaraanan ko.

"Ayun siya" rinig kong sigaw ng kung sino kaya napatingin naman ako roon.

Isa sa mga tauhan ng lalaking iyon.

Mas binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa tuluyan na akong makalabas sa hospital. Tumakbo ako sa kalsada kahit na red lights pa kaya nagkagulo naman ang mga kotseng dumadaan na agad agad nagbre-brake nang makita akong tumatakbo sa harapan nila.

"Jusko yung babae at bata!" rinig kong alalang sabi ng mga tao pero wala akong pake roon at patuloy lang sa pagtakbo.

Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang umulan ng malakas kaya agad naman akong humanap ng masisilungan.

Nang makahanap na ako ng masisilungan ay napatingin ako sa anak ko na mahimbing ang tulog.

Kakapanganak ko palang pero heto ako ngayon tumatakbo. Wala akong pake kung mabinat man ako o may mangyari mang masama sakin basta ang importante sangayon ay kailangan kong tumakbo at magpakalayo layo para sa kaligtasan ng anak ko.

Akala ko nong una ay madali lang para sakin na e-let go ang anak ko kapalit ng pera pero hindi ko pala kaya. Dahil nang makita ko ang mukha ng anak ko ay nag iba na ang desisyon ko.

Anong klase akong ina para maisipang gawin iyon sa anak ko? Masama akong ina kung tutuusin dahil pumayag akong ipagpalit sa pera ang anak ko, kaya patawarin nawa sana ako ng Diyos at ng anak ko.

Aalagaan ko ang anak ko. Iyan ang bumubulong sa utak at ang sinasabi ng puso ko ngayon. Kaya wala akong pakealam sa kalagayan o sa magiging kalagayan ko. Basta ang importante ay ginagawa ko ang lahat ng ito ay para sa anak ko kaya titiisin ko kahit ano para sakanya. Tatanggapin ko lahat.

Masasabi ko talaga na kakaiba ang anak ko. Hindi siya tulad ng ibang sanggol na ang ingay ingay dahil palaging umiiyak. Hindi ako nagsisising itinakas kita anak ko. Hindi ako nagsisisi at magsisisi na ilagay ang sarili ko sa kapahamakan, malayo kalang sa mga delikadong taong tulad ng tatay mo.

Oo natatakot rin ako sa tatay mo, anak. Sino ba namang hindi eih ang tatay mo ang pinakamakapangyarihan sa buong mundo at pinakawalang puso na demonyo pa sa demonyo. Hindi ko hahayaang mapunta ka sakanya, isinilang kitang anghel kaya lalaki kang anghel at hindi anak ni satanas.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon