Chapter 35
2 days ang nagdaan at narito pa rin yung babae sa bahay. Naging busy rin lalo si Vaughn dahil rito at napapadalas ang pagbaba niya sa basement kaya naman ay napostponed ng matagal ang pagtretraining namin. Paniguradong nagheheal na rin yung sugat ng babaeng iyon ngayon lalo pa't araw araw itong ginagamot ni Vaughn. Ano ba talaga ang meron sa babaeng iyon?.
"Vaughn dalawang aaraw na ang nakalipas bakit narito pa rin ang babaeng iyan at humihinga pa?" Tanong ko.
"I still didn't get the answer that I need" sabi niya.
"Hindi ba dapat pinapahirapan mo para sumagot? Pero bakit ginagamot mo pa at inaalagaan?" Tanong ko sakanya.
"I didn't take care of her" sabi niya.
"Pero binibigyan mo siya ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Ginagamot mo pa ang sugat niya araw araw. Wala ring oras na hindi mo siya binibisita" sabi ko.
Lumapit siya sakin saka ako niyakap kaya niyakap ko naman siya pabalik.
"Don't worry, everything will end soon" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko kaya sumiksik nalang ako sa dibdib nito.
"Matulog na tayo" sabi ko.
Nang makaramdam na akong nakatulog na siya ay dahan dahan akong bumangon saka inalis ang pagkakahawak niya sakin. Nang mapagtagumpayan ko naman ay umalis ako sa kama saka lumabas ng kwarto.
Napakunot noo ako ng dumako ang paningin ko sa isang sulok kaya agad ko naman itong nilapitan. Inabot ko ang isang bagay gamit ang kamay ko sa sulok na iyon hanggang sa naabot kona ito.
Ito yung baril na nabitawan ko nong gabing iyon. Hindi pala nila ito nakita. Hindi man lang nagtaka si Vaughn kung bakit kulang ang mga baril niya ganun? Dahil ba sa kabusyhan niya? Inilagay ko ito sa likod ng pantalon ko saka bumaba na. Saka ko nalang toh ibabalik sa opisina ni Vaughn pagbalik ko.
Pumunta ako sa basement, pero napakunot noo nalang ako ng makita kong nakalock ito. Pumunta ako sa cabinet na lalagyan ng mga susi saka hinanap roon ang susi na para sa basement ngunit wala ron doon kaya napaisip naman ako ng maaaring pagtaguan ng susi. Chineck ko ito sa iba pang mga kabinet pati na rin yung sa sahig. May nakita akong susi sa ilalim ng kabinet kaya kinuha ko naman iyon. Nang makuha kona ito ay bumalik ulit ako sa basement saka binuksan ang pinto.
Nilock ba ito ni Vaughn para walang makapasok? Bakit hindi nalang niya inilagay ang susi sa key cabinet?.
Nang mabuksan ko na ang pinto ay ibinalik ko muna kung saan ko nakita ang susi saka pumasok na sa loob. Nadatnan ko namang nakatayo ang babae na mukhang nagmuni muni lang dahil nakatalikod ito saakin.
"Caius ikaw ba yan? Nandito ka na ba?" Tanong niya sabay harap sakin.
Agad namang napalitan ng pagkadismaya ang masaya niyang mukha ng makita ako. Tiningnan ako nito ng masama at napakunot noo.
"Tulog na si Vaughn, kaya bakit ka naman ni siya pupuntahan dito?" Tanong ko sakanya.
Napatingin ako sa kabuuan niya ng mapagtanto kong wala siyang kahit na atong tali sa katawan. Nakakatayo na rin siya ng maayos kaya paniguradong okay na ang sugat niya kahit na may benda pa ang paa niya. Katulad ng mga sugat ko, naghihilom na rin ang sugat niya. Sana pala ay mas linakasan ko ang pagbato ng patalim ng saganun ay mas lumalim ang sugat nito. Edi sana kung nangyari yung ipinadala nalang rin siya kaay Rence since mamamatay na rin naman siya.
"Palagi siyang pumupunta rito tuwing gabi para bisitahin ako kaya walang masama kung mag expect ako na ikaw siya" sabi niya.
"Mas maagang natutulog si Vaughn kesa sakin" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomanceSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...