Chapter 28
"Okay lang, hindi ko naman kayo matitiis" sabi ko.
Si Dion ang tagapagtanggol ko sa mga lalaking nagtatamgkang mangharass sakin sa school. He is the President of our school at nakakilala ko siya dahil cousin siya ni Jazel at naging classmate kami sa iilang subjects. Siya ang nagpaparusa sa mga nagtatangkang mangharass sakin at hindi raw biro yung mga pinarusa niya sa mga lalaking iyon kaya simula non ay wala ng nagtangaka pang gawin iyon sakin. At saka lang nakakalapit sakin ang mga lalaki na magbibigay ng mga bagay o magcoconfess sakin kapag wala sa tabi ko si Dion, ganun sila ka takot kay Dion.
Dion and Jazel are my knight and shining armor. Para silang espada at kalasag ko that is why I am very grateful na dumating sila sa buhay ko.
"Sige na bye na Amie, video call nalang tayo ah. Pasok na ako sa kotse kayo na bahala jan" sabi ni Jazel sabay pasok na sa kotse nila kaya naiwan naman kami rito ni Dion sa labas.
"Hayaan muna siya, ganyan talaga siya dahil ayaw niyang makita mo siyang umiyak dahil alam niyang maslalo ka lang masasaktan. Sa loob siya ng kotse iiyak" sabi ni Dion.
"Bakit ka ba talaga aalis Dion? Alam kong wala ka naman talagang balak pero bakit nagbago ang isip mo?" Tanong ko.
"Kung tatanggapin mo yung feelings ko baka magbago ang isip ko at magstay ako" sabi niya na ikinakunot noo ko.
"Ano?" Tanong ko.
"Hanggang ngayon ay nababadoy pa rin ako Amie, hindi pa rin ako makaamin sayo sa tamang paraan so I'm sorry kung ginugulo ko ang isip mo. Well it's kind a fair kasi lagi mo rin namang ginagulo ang isipan ko" sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin Dion?" Tanong ko.
"Saka kona sasabihin ng loud and clear kapag nakahanap na ako ng magandang tiyempo at kaya ko ng hindi maging torpe sayo" sabi niya.
"Dion naguguluhan ako ano ba talaga ang gusto mong ipakahulugan ha?" Tanong ko.
"I know na nagkakagusto ka na rin sa ama ng anak mo, I don't wanna barge in dahil gusto kong masaya ka palagi Amie. Pero once na sinaktan ka niya, kukunin kita sakanya. Baka iyon na rin yung araw na makaamin ako sayo pero kung hindi man iyon dumating edi goodluck nalang sakin diba? Haha" sabi niya.
"Aamin? Aamin tungkol saan?" Tanong ko.
"Hindi pa kita masasagot diyan Amie. Pero bago ako umalis gusto kong sabihin na hindi lang ito dahil natotorpe ako o nababakla ako ha, pinaparaya kita kahit never ka namang naging akin. Pinaparaya na kita sa ama ng anak mo pero tandaan mo ang sinabi ko ha. Pero bago ako aalis, may gusto lang akong gawin. Wag mo sana akong kamuhian" sabi niya.
Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi sabay pasok na sa kotse. Umandar naman ito kaya naiwan ako ritong tulala.
"Get in the car!" malamig na sabi ni Vaughn.
Wait si Vaughn? Hindi ko man lang napansin na nasa harapan kona pala yung kotse ni Vaughn dahil sa pagkatulala ko.
"Ah eh teka lang" sabi ko sabay punta sa isang gilid at kinuha ron ang mga bulaklak at mga gifts na ibinigay sakin ng mga estudyante kanina.
"Put that away" sabi ni Vaughn.
"Sayang naman" sabi ko.
"Tsk" singhal nito.
"Amh pwede pabukas po ng likod, ilalagay ko po sana sa likod" sabi ko sa driver na agad namang ginawa ang sinabi ko.
Lumabas si Vaughn sa kotse at biglang hinablot sakin ang mga dala ko at siya na mismo ang naglagay nito sa likod.
![](https://img.wattpad.com/cover/349776449-288-k84856.jpg)
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomantizmSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...