Chapter 29
Narito na kami ngayon sa bahay. Nakatulog na si Angelo kaya naman ay narito na rin kami sa kwarto para maghandang matulog.
"Vaughn may nagawa ba akong mali?" Tanong ko kay Vaughn.
Hindi kasi ako makatulog dahil iyon ang iniisip ko. Bakit niya ba kasi ako iniiwasan tapos lagi pang sinasamaan ng tingin.
"Nothing" sagot niya.
"Eih bakit hindi mo ako pinapansin simula kanina nong sinundo niyo ako sa event?" Tanong ko.
"I told you it's nothing. Go to sleep" sabi niya.
"Kung may nagawa man akong mali I'm sorry sana mapatawad mo ako, hindi ko iyon sinasadya. Kailanman ay hindi ko sasadyang magkamali sayo. Malaki ang utang na loob ko sayo Vaughn at hindi sapat yung salitang salamat para masuklian ko ang lahat ng ginawa mo para sakin kaya hinding hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasakit sayo. Maraming nakapagsabi na matalino ako pero sobrang manhid ko sa mga realidad na bagay. Hindi ako naniniwala don pero parang totoo nga ang sinabi nila kaya please patawarin mo ako sa nagawa kong pagkakamali kahit na hindi ako maging specific kung ano ba yung nagawa kong kasalanan sayo lalo pa't ayaw mo pa naman yung hindi specific" sabi ko habang nakayuko sakanya.
"Raise your head" sabi niya kaya itinaas ko naman ang ulo ko sabay tingin sakanya.
"Sorry" sambit ko.
"Stop apologising, you didn't do anything wrong. It's all my fault so stop blaming yourself" sabi niya kaya agad ko naman siyang niyakap.
"Thank you. Sa lahat lahat, lalo na sa ginawa mo para sa parents ko" sabi ko.
Naramdaman ko naman ang mkamay niyang pumulupot na rin sakin at mukhang ginagantihan ang yakap ko.
"Goddamn jealousy" inis na bulong niya.
"Matulog na tayo" sabi ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa pangigising saamin ng anak ko. Siya talaga lagi yung nanggigising saamin, para siyang alarm clock namin dahil sa sobrang aga niyang magising.
Heto kami ngayon sa dining room kumakain ng breakfast namin.
"Daddy sabi mo po ay tuturuan mo kami ni mommy kung paano bumaril, kailan po iyon?" Tanong ng anak ko.
"Baby ako lang ang tuturuan ng daddy mo, hindi ka ba natatakot sa baril?" Tanong ko.
"I'm not scared of guns mommy, natakot lang ako nong araw na iyon dahil natatakot po ako para sainyo" sabi niya.
"I will teach you today so finish your food" sabi ni Vaughn.
"Yehey!" Masayang sabi ng anak ko.
"Bakit parang sobrang excited mo?" Tanong ko.
"I wanna learn how to use gun po kasi" sabi niya.
"Ang tapang tapang naman ng baby ko" sabi ko sabay halik sakanya sa pisngi.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami ng bahay dahil doon raw kami mage-ensayo. May mga target na nakatayo sa hindi kalayuan saamin na siyang aming kailangang tamaan. Inabutan naman kami ni Vaughn ng baril na agad naman naming tinanggap kahit na nanginginig ang kamay ko ng tanggapin ito.
I still am scared of this thing. Satuwing naaalala ko yung pagbaril ko sa puso ng lalaking iyon, naguiguilty pa rin ako hanggang ngayon.
Itinaas ko ang kamay ko saka ito pinwesto tulad ng mga nakikita ko sa telebisyon kung paano nila hawakan ang isang baril.
Akmang ikakalabit kona sana ito ng maalala kona naman ang araw na iyon. Alam kong hindi dapat ako maguilty dahil nararapat lang naman na gawin ko iyon dahil may pinoprotektahan ako nong araw na iyon. But I was a law student at that time, pero nakapatay na ako ng isang tao. Isang tao na gusto rin akong patayin.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
Storie d'amoreSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...