Chapter 22

1.9K 32 0
                                    

Chapter 22

"Hello everyone!" Sigaw ni Rence habang papasok ng bahay.

"Tito Rence!" Masayang sabi ng anak ko sabay takbo sa ninong nito niyakap ng mahigpit kaya binuhat naman siya nito.

"Namiss mo ako?" Tanong ni Rence.

"Opo" sagot ng anak ko.

"Nandito ako para e celebrate ang pagkapasa ng mommy mo, may dala akong pangbarbeque" sabi ni Rence.

"Talaga po? Wow!" Masayang sabi ng anak ko.

"Congrats binibining Amie" bati ni Rence sakin.

"Salamat, saktong sakto dumating ka at nakahanda na ang pananghalian, sumabay kana" aya ko sakanya.

"Sige, teka nasaan nga pala si Vaughn?" Tanong niya sabay baba na kay Angelo kaya umupo naman ito sa upuan niya.

"Nasa baba nag gy-gym, bababa rin naman iyon dito mamaya maya" sabi ko.

"Huh? Nag gy-gym siya ngayon eih hindi naman niya schedule" sabi niya.

"Ah hindi niya siguro nasabi sayo. Everyday na kaming nag gy-gym dahil tinuturuan niya ako kung paano makipaglaban" sabi ko.

"Eih bakit siya lang ang nag gy-gym kung kayo naman dapat lahat mag gy-gym?" Tanong niya.

"Hindi ko alam" sagot ko.

"Ay sus boner yun. Hahahaha nagpipigil ang gago, may ginawa ka siguro noh?" Tanong niya na ikinakunot noo ko.

"Ha? Wala naman akong ginawa" sabi ko.

Maliban dun sa pesteng aksidente na nangyari kanina haysss, nakakahiya talaga.

"Talaga ba? Wala kang ginawang nakakaakit? O nakakabuhay ng natutulog na junjun?" Tanong niya na ikinakunot noo ko lalo.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Yung—aray!" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang batuhin ni Vaughn ng isang tuwalya.

Bakit sobrang pawis niya atah? Nagtraining ba siya ng maigi para pagpawisan ng ganito?.

"Shut up" madilim na sabi ni Vaughn kay Rence saka ito umupo sa upuan niya.

"Daddy bakit po pawis na pawis kayo?" Tanong ng anak ko sa daddy niya.

Umupo na kami saka nagsimula ng kumain. Nilagyan ko naman ng kanin at ulam ang plato ng anak ko saka ito sinubuan.

"I was in the gym room exercising, that's why I am sweating" sagot ni Vaughn.

"Big boy, nagpalipas siya ng libog sa gym room" sabi ni Rence.

"Libog po? Ano po yun?" Tanong ng anak ko.

"Will you shut your mouth or else I'm gonna kick you out of here!" malamig banta ni Vaughn kay Rence na agad namang nagpeace sign sakanya.

"Wala iyon baby, kumain kana" sabi ko sa anak ko.

"Daddy don't kick tito out po, may dala po siyang barbeque at magbabarbeque daw po tayo mamaya" pagtatanggol ng anak ko sa ninong nito.

"Big boy, I love you talaga" umaarteng umiiyak na sabi ni Rence sa anak ko.

"Your daddy was just kidding baby, hindi naman niya sisipain palabas ang ninong mo" sabi ko sabay tingin kay Vaughn na masama palang nakatingin sakin.

"Akala ko po kasi seryoso si daddy kasi po apaka seryoso po ng mukha niya" sabi nito.

"I'm just not in the mood today son" sabi ni Vaughn sabay hawak ng ulo ni Angelo at ginulo ang buhok nito.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon