Chapter 34

1.9K 26 0
                                    

Chapter 34

"Amie!" Tawag sakin ni Vaughn na agad na lumapit sakin.

"Vaughn!" nag aalalang sabi ko sabay tingin sa sugat niya.

"You have a lot of wounds. Who did this to you?" Madilim na tanong niya sabay tingin sa dalawang taong nasa harapan namin na nagpipigil sa sakit ng mga paa nila.

"Nagpaputok ako kanina pero wala pa ring rumesbak na guards, nasaan naba sila?" Tanong ko sakanya.

"They are all dead" sabi niya.

"Ang dami ng nagbabantay sa labas, imposible namang natalo silang lahat ng apat na tao lang" sabi ko.

"No they were 20" sabi niya na ikinagulat ko.

"Kinalaban mo ba ng mag isa yung labing walo pa?" Tanong ko sakanya.

"As usual, the beast of the fight" sabi ng babae na ikinakunot noo ko.

"Magkakilala ba kayo?" Tanong ko kay Vaughn.

"Of course, isa lang naman ako sa mga naging babae niya. The first one to be exact" sabi ng babae.

"Shut up!" inis na saway sakanya ni Vaughn.

"Oh dear, mas lalo kang gumwapo at nagmacho" malanding sabi ng babae.

Naiirita ako sa babaeng ito na hindi ko alam kung bakit.

Kinuha ko ang baril na nasa likod ko saka ito itinutok sa babae. Akmang kakalabitin kona sana ito ng pigilan ako ni Vaughn.

"That's enough, I'm going to take them in the basement" sabi niya kaya napalunok naman ako ng may maramdaman akong sakit na alam kong hindi galing sa mga sugat ko.

Nginitian ako ng babae ng malapad bago siya dinala ni Vaughn, pati na rin yung lalaki na nabaril ko kanina.

"Mommy, is it done na po ba?" Sabi ng anak ko habang nakadungaw sa pinto.

"Yes baby, okay na ang lahat" sabi ko sabay yakap sakanya.

"Mommy ang dami niyo pong sugat" sabi niya.

"Okay lang ako baby, gagamutin ko rin ito agad bago pa ito maimpeksyon. Dun ka nalaang muna matulog sa kwarto namin ng daddy mo okay? Baka kasi may mga bad guys pa na dumating" sabi ko.

"Okay po mommy" sabi niya kaya dinala ko naman siya sa kwarto namin ni Vaughn saka pinahiga sa kama at kinumutan.

"Goodnight ulit baby" sabi ko sakanya.

Nang makatulog na siya ay agad akong kumuha ng first aid kit saka ko ginamot ng maayos ang mga sugat ko. Baka magkaroon pa ito ng impeksyon tapos lumala pa dahil sa sakit ko sa dugo kaya kailangan ko itong linisan ng mabuti.

Napatingin ako kay Vaughn ng makapasok ito sa kwarto na mukhang nagmamadali pa papunta rito. Linapitan niya ako saka chineck ang mga sugat ko.

"Natagalan ka atah?" Tanong ko sakanya.

"I was cleaning their wounds" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"Nilinis mo yung sugat nila pero yung sayo hindi mo man lang nilinis" sabi ko habang nakatingin sa sugat niya.

"It's fine" sabi niya.

"Akin na, ako na ang maglilinis ng sugat mo" sabi ko.

"Did you finish cleaning your wounds?" Tanong niya.

"Oo tapos na lahat kaya ako na ang maglilinis ng sayo" sabi ko.

Sinimulan ko namang linisan ang sugat niya. May sugat rin siya sa kamay na mukhang sanhi ng pagsuntok ng maraming tao. Hindi na ako magtataka dahil labing walo yung napatumba niya kaya paniguradong napagod siya dahil ron.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon