Chapter 18
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya agad naman akong yumuko saka inilapit siya sakin.
"Kung ano anong sinasabi sayo ng ninong mo. Paamoy nga ulit ng baby ko" sabi ko habang isinisiksik ang mukha ko sa leeg nito para matakpan ang nangangamatis kong mukha.
"Daddy your ears are red are you sick po ba?" Tanong ni Angelo kay Vaughn kaya napatingin naman ako rito.
"I just feel hot" sabi ni Vaughn habang ina-adjust ang butones ng polo nito saka tumalikod para umalis.
"Hayyy naku ang inosente mo talaga. Lagi mo nalang pinapauncomfortable yung atmosphere saamin ng daddy mo" sabi ko sa anak ko.
"Sabi po kasi ni ninong na dalas dalasin ko raw po ang pagsasabi ko tungkol sa magiging kapatid ko sa harapan ninyo ni daddy ng saganun ay mas mapapadali po ang paggawa niyo sa kapatid ko" sabi niya kaya pagak naman akong napatawa.
"Haha, wag kang magtiwa tiwala sa ninong mo okay?" Awkward na sabi ko.
Damn baby hindi naman ganun kadaling gawin ang gusto mo dahil hindi rin ganun kadaling gawin yung baby lalo na sa sitwasyon namin ngayon ng daddy mo. Kung tutuusin nga ay para lang kaming strangers na napilitang magsama dahil sa isang dahilan at ang dahilang iyong ay ikaw.
Kinabukasan ay medyo okay na ako. Inalis na rin iyong aparatus na nakakabit sakin at saka nakakatayo na rin ako ng hindi sumasakit ang ulo ko pero paminsan minsan pa rin naman ay kumikirot ito.
"Ah Vaughn pwede kanang matulog rito, medyo okay na rin naman ako" sabi ko.
"No need, I can still sleep in the guest room until you recover" sabi niya.
"Hindi, okay na talaga ako. Hindi naman gaanong masakit yung ulo ko kahit na masagi mo pa pa okay lang sakin. Ayoko lang kasing mag isa kang matulog" sabi niya.
"I've been sleeping alone since I was born, what makes you think that I couldn't sleep without anyone beside me?" Tanong niya kaya nabahala naman ako.
"Ah hindi iyon ang ibig kong sabihin. What I mean is ayokong matulog ka sa guest room tapos ako narito sa kwarto mo, naguiguilty ako. P-pero kung ayaw mo naman akong katabi, pwede namang matulog nalang ako sa kwarto ni Angelo tapos dito kana matulog sa kwarto" sabi ko.
"You don't have to sleep in his room. I'll sleep here, with you" sabi niya kaya napangiti naman ako.
"Huwag kang mag alala, nabagok lang naman yung ulo ko at wala namang nagbago sakin. Hindi pa rin ako malikot matulog at saka hahayaan pa rin kita yumakap sakin" nakangiting sabi ko.
"Why? Am I always hugging you every night? I thought you were the one who hugs me every night" Tanong niya na ikinagulat ko.
So hindi siya aware na ginagawa niya iyon sakin tuwing gabi? Tapos ang pagkakaakala niya pa ay ako pa talaga ang unang yumayakap sakanya. Grabe ang kapal pala ng mukha ko sa point of view niya.
Naaalala ko na sinabi sakin ni Rence na wag iyon sabihin sakanya, baka nga hindi talaga siya aware na malikot siyang matulog.
"Ah right, sorry malikot akong matulog takot kasi akong matulog ng mag isa kaya niyayakap ko yung katabi ko o di kaya yung unan" pagsisinungaling ko sakanya sabay pagak na tumawa.
I can't believe na nagmumukha akong babaeng nagfifirst move at easy to get sa isipan niya, gosh bakit ba kasi di siya aware na malikot siya matulog? Haler, di po ako yung unang yumayakap o nanghihila pagtulog, ikaw po opo.
"It's fine" sabi niya.
Naglakad siya papunta sa banyo at mukhang maliligo na kaya napahinga naman ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomanceSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...