Chapter 27

1.9K 27 0
                                    

Chapter 27

"Hindi pa ba sapat na ebidensya yung paggamit mo sa anak ni Mr Rullen para akitin siya? Malamang ginamit mo yung karisma mo bilang nanay kasi diba may anak ka? Iyon siguro yung ginamit mo para lumapit sayo yung bata"

"Wag mong gagamiting pangbackfire sakin ang pagiging nanay ko. Walang akong ginawang masama, lumapit lang sakin yung bata para ikongratulate ako" sabi ko.

"Ang weird naman atah nun, bakit ikaw lang? Pagkatapos ka niyang kinongratulate ay bumalik agad siya sa upuan niya at mukhang ikaw lang talaga ang balak niyang ikongratulate dahil hinintay ka pa niya diba? Tapos certificate mo lang ang hinawakan niya"

"May mali ba ron? Sa pagkakaalam ko ay hindi iyon kasalanan at walang batas na nilabag ron" sabi ko.

"Oo wala sa batas na nagsasabing bawal lumandi. Pero ang kapal naman ng mukha mo na pag interesan ang isang katulad ni Mr Rullen"

"Wala akong nilalandi" madiing sabi ko.

"Sige nga, ano ba yung binulong sayo nong bata?"

"Kaya ba gusto mong mag eskandalo rito mismo sa graduation natin dahil mamamatay kana sa kuryusidad sa kung ano ba talaga ang binulong sakin nong bata ha? Pwes sasabihin ko sayo ng saganun ay matahimik kana. Well ang binulong lang naman niya sakin ay 'congratulations po on being the valedictorian' iyon ang sinabi niya sakin" nagtitimping sabi ko.

"Hindi ba kayo yung nagbubulong bulungan kanina na sabi niyo pa nga ay baka umattend lang si Mr Rullen sa graduation natin dahil request iyon ng anak niya kaya baka nga totoo iyon. Baka gusto nong bata na umattend ng graduation and since si Amie yung valedictorian ng school natin ay malamang humanga sakanya yung bata, o di kaya ay nainspire sakanya kaya naman ay kinongratulate niya ito ng personal" sabi ni Jazel.

"Please patapusin natin yung event ng matiwasay. Wag nating sirain bilang respeto na rin kay Mr Rullen at sa school natin. Kapag nag eskandalo tayo ay masisira hindi lang ang image natin kay Mr Rullen kundi pati na rin ang school. Matagal na kayong nag aral sa school na ito at mas nauna pa kayo rito kesa sakin diba? Kaya intindihim niyo naman ang school. Kapag nasira ang reputasyon ng school natin pati tayo masisira dahil naging estudyante tayo rito at dito tayo gumraduate. Kukutyain tayo ng iba kapag nalaman nilang gumraduate tayo sa isang may scandal na paaralan. Diba nga kaya kayo narito sa school para mas mapadali para sainyo ang makahanap ng trabaho kasi maimpluwensya ang school na ito? Kaya wag niyo namang sirain" sabi ko.

Sawakas natahimik na sila. Buti nalang talaga at nakapagtimpi pa ako sakanila. Muntikan pa akong sumabog kanina pero buti nalang ay naikalma ko ang sarili ko.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong sakin ni Dion.

"Okay lang ako" sabi ko.

"Awe, nagdadalaga kana talaga. Marunong ka ng lumaban para sa sarili mo" masayang sabi ni Jazel.

"Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sainyo ng isang taon" sabi ko.

"Ay oo nga pala. By the way iyon ba talaga ang binulong sayo ng anak mo ha?" Pabulong na tanong niya sakin.

"Hindi, nakapagsinungaling pa tuloy ako dahil sakanila" sabi ko.

"Bakit, ano ba yung ibinulong sayo ng anak mo ha?" Tanong niya.

"Sabi niya ang ang ganda ganda ko raw" sabi ko.

"Kyahh! Ang sweet naman ng anak mo" kinikilig na sabi niya habang tinutulak ako kaya lagi ko namang natatamaan si Dion.

Hayss buti nalang talaga at pinagitnaan nila akong dalawa. At buti nalang ay may pasensya itong si Dion.

"Enough Jazel, you're hurting her" saway ni Dion kay Jazel habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon