Chapter 5

2.6K 38 0
                                    

Chapter 5

Amie POV

Papunta ako ngayon sa anak ko para padedehin siya. Napakunot noo ako ng makitang nagiging blue ang labi ng anak ko kaya agad ko naman itong ginising pero ayaw nitong gumising kaya kinutuban na ako.

"Tulong! Tulongan niyo ako!" sigaw ko at agad na kinarga ang anak ko at lumabas ng kwarto para manghingi ng tulong.

"Ma'am ano pong nangyari?" Tanong ng isang katulong saakin.

"Tulongan mo ako, dalhin natin sa hospital ang anak ko" agarang sabi ko.

"Dito po tayo ma'am" sabi niya at nauna ng maglakad.

May tinawag siyang isang lalaki na agad namang sumakay sa kotse kaya sumakay na rin ako.

Nang makarating kami sa hospital ay agad kong inilagay sa hospital bed ang anak ko na agad namang inasikaso ng mga doctor.

"Sino po ang magulang ng bata?" Tanong ng nurse.

"Ako, ako ang ina ng bata" sabi ko.

"Asikasohin niyo ang bata nurse, anak ni Mr Rullen ang bata" sabi ng katulong sa nurse na ikinalaki ng mata nito.

"Dok unahin niyo pong asikasohin ang bata, anak po ni Mr Rullen ang sanggol" sabi ng nurse sa doctor kaya agad namang kumilos ang Doktor at dinala ang anak ko sa ER.

I feel bad though, siguro kung hindi anak ng lalaking iyon ang anak ko, kikilos kaya sila ng ganito? Paano naman ang anak ko kapag ganun?.

Mangiyak ngiyak akong naghihintay sa labas ng ER. Nanginginig na ang buong katawan ko. Kinakabahan ako sa nangyayari sa anak ko.

"Ma'am kumalma lang po kayo, magiging okay din po si young master. Tinawagan ko na rin po si master kaya papunta na rin po siya rito" sabi ng katulong.

"Where's my son?" Agad na napunta sa paparating na lalaki ang atensyon namin.

"Nasa loob po siya ng ER ginagamot po ng mga Doktor" sagot ng katulong.

Lumabas ang Doktor kaya agad naman kaming lumapit rito.

"Kamusta ang anak ko Dok?" Tanong ko.

"How's my son?" Tanong ni Vaughn.

"Mr Rullen out of danger na po ang anak ninyo, nagkaroon ng atake ang anak niyo sa sakit niya. It seems like mayroon siyang problema sa dugo, sobrang sensitive ng blood niya. I know that you have a healthy body Mr Rullen, siguro ay namana niya ito sa ina niya. Pwede mo na siyang makita Mr Rullen, please excuse us" paalam nito kasama ang iba pang nurse at doktor saka umalis na.

Biglang nanglambot ang tuhod ko ng marinig ko iyon kaya ako napaupo sa sahig at napahagulgol.

"Kasalanan ko toh, dahil saakin kaya may sakit ang anak ko" umiiyak na sabi ko.

"Get up" sabi ni Vaughn habang inaalalayan akong tumayo.

"Why are you like this? Dapat magalit ka sakin, dapat sisihin mo ako. Nang dahil saakin kaya masakitin ang anak mo" nanghihinang sabi ko sakanya.

"Why would I do that? It already happen, even if I scolded you it wouldn't change anything" sabi niya kaya agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit at napahagulgol.

Ewan ko ba, parang kumakapal na ang mukha ko.

Nakauwi na kami. Sumakay kami ng anak ko sa kotse ni Vaughn habang yung katulong naman ay nakasakay sa kotseng sinakyan ko kanina.

Nang mailagay ko na ang anak ko sa higaan niya ay agad ko naman itong hinalikan sa noo.

"Use this, I will contact you anytime so bring it with you wherever you go. If something happens call me immediately. I hired a private doctor for him and he will check my son every day" sabi niya kaya tumango naman ako sabay abot ng cellphone na hawak niya.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon