Chapter 48

1.7K 27 0
                                    

Chapter 48

[Still Flashback]

"Okay po mommy, I trust you po" sabi niya.

"Pwede bang ipatawag mo si Mr Leo para sakin?" Utos ko sakanya.

"Okay po" sabi niya sabay alis na.

Mukhang takot na takot ang anak ko sa mga taong nasa panaginip niya. Nakita niya sigurong sinasaktan ako ng mga taong iyon. So that means baka hindi ko nga sila kakayanin. Kung isa man sila sa kalaban ni Vaughn, hindi ko dapat sila palampasin. I have to make them disappear ng saganun ay hindi na nila kami balikan.

Dumako ang tingin ko sa isang parang mechanical device na may nakalagay na timer. This must be what they call a time bomb. But this time bomb is not an ordinary time bomb dahil mayroon itong remote kung gusto mo na bang ipastart ang counting o di kaya ay pasabugin ito kaagad.

"Ma'am pinatawag raw po ninyo ako" sulpot ng isang lalaki sa harapan ko kaya napatingin naman ako rito.

He's Leo, siya yung nagmomonitor sa security kaya parang siya yung leader leader sa mga tauhan ni Vaughn. Assistant rin siya ni Rence kaya alam kong mapagkakatiwalaan siya.

"Kung may mangyari mang gulo sa labas o dito sa loob ay pwede bang itakas rito ang anak ko? Ilayo mo siya sa bahay na ito. Kapag may mangyari man ay hintayin mo ang anak ko sa pinto saka mo siya itakbo okay?" Sabi ko sakanya.

"Ma'am trabaho ko pong protektahan kayong dalawa ni young master kaya kung may mangyari man pong masama ay kayong dalawa po ng young master ang ililigtas ko" sabi niya.

"Hindi. Isigurado mo muna na ligtas yung anak ko bago mo ako iligtas. Sundin mo nalang yung sinabi ko sayo please" pakiusap ko sakanya.

"Sige po ma'am" sabi niya.

"Maraming salamat, sige maaari ka ng bumalik sa pwesto mo" sabi ko na agad naman niyang sinunod.

Nilagay ko sa likod ko ang baril ko saka napatingin ulit sa time bomb. Kinuha ko ito saka dinala pababa, dalawa ang dinala ko since dalawa naman yung nasa loob ng opisina. Nilagay ko ang isa sa ilalim ng isang kabinet habang yung isa naman ay sa ilalim ng sofa sa sala saka ibinulsa ang mga remote nito.

Vaughn please dumating kayo agad.

[End of Flashback]

Akmang kakalabitin kona sana ang baril ko na nakatutok sa ulo ni Jerome ng biglang may sumapak sakin ng baril dahilan para mapaupo ako sa sahig at mapahawak sa ulo ko na dumudugo.

"Ano ka ba naman Jerome, kalalaki mong tao matatalo ka ng isang babae" pang iinis ni Michael sa kapatid niya.

"Shut up! Did you find him?" Tanong ni Jerome.

"Wala siya sa buong bahay. Mukhang umalis yung gago. Kaya pala ang daming mga bantay sa labas ay dahil walang magbabantay sa mag ina niya kasi wala siya rito" sabi ni Michael.

"Pati si Callahan ay wala rito?" Tanong ni Jerome.

"Wala rin. Hindi kaya ay nasa Manila sila ngayon ay nilulusob ang kampo natin?" Tanong ni Michael.

"Bwesit na, paniguradong iyan nga ang nangyari. Kailangan na nating bumalik" sabi ni Jerome.

"Chill, paniguradong kaya na yun ng dalawang kapatid natin. Narito na tayo kaya tapusin nalang natin toh. At least kung matalo man ng dalawang yun ang mga kapatid natin ay nabigo naman si Rullen na protektahan ang mag ina niya. Paniguradong iiyak yung gagong yun kapag nakita niyang patay na ang mag ina niya" sabi ni Michael.

"Nawala ang bata, mukhang nakatakas" sabi ni Jerome.

"Hahanapin ko" sabi ni Michael.

Akmang aalis na sana ito ng sipain ko ang paa nito dahilan para bumagsak siya sa sahig at namimilipit sa sakit.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon