Chapter 21
Nagising ako dahil sa sobrang ingay ng phone ko kaya agad ko naman itong kinuha sa bedside table saka ito sinagot.
"Hello?" Inaantok na sabi ko sa kabilang linya.
"Oh, did I disturb your sleep?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya.
"D-Dion?" Tanong ko.
"Yes it's me, how are you Amie?" Tanong niya.
"I'm fine. Ikaw? Kamusta ka?" Tanong ko.
"Okay na rin ako ngayon" sabi niya.
"Bakit may nangyari ba sayo?" Nag aalalang tanong ko.
"Wala naman, what I mean is okay na ako ngayon dahil alam kong okay ka" sabi nito habang tumatawa.
"Akala ko naman kung anong nangyari sayo" sabi ko.
"Are you worried?" Tanong niya.
"Oo naman" sabi ko.
"Umagang umaga pinapakilig mo ako Amie" sabi nito.
"Sus, bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ko.
"Bakit bawal ba akong tumawag? Sobrang tagal mo kayang nawala, nalaman nalang namin na nagswitch ka into online class. Nagpumilit pa talaga ako sa Dean na kunin yung number mo kasi hindi ka naman nag iwan ng number mo saamin tapos wala ka pang social media accounts" sabi niya.
"Bakit mo naman ginawa yun?" Tanong ko.
"Namiss kasi kita, I mean namin. Bakit di mo ba ako namiss?" Tanong niya.
"Namiss" sagot ko.
"Ahem" agad akong napatingin kay Vaughn na gising na pala at nakatitig ito sakin, ng masama.
Agad akong bumangon saka pumunta sa kabilang side ng kama.
"Yun naman pala eih, by the way congrats nga pala sayo" sabi ni Dion.
"Salamat, by the way nakapasa ka ba?" Tanong ko.
"Of course, pati na rin si Jazel" sabi niya.
"Woah! Congrats sainyo" masayang sabi ko.
"Congrats saating tatlo. Plano namin ni Jazel na magcelebrate, sumama ka" aya niya sakin kaya napatingin naman ako kay Vaughn na saktong nakatitig rin sakin.
Hinihintay niya ba ako? Bakit? May kailangan siya sakin?.
"Ah hindi kasi pwede eih" sabi ko.
"Sayang naman, how about magvideo call nalang tayo later. Namiss ka ni Jazel ng sobra, but not as much as I miss you though" sabi ni Dion kaya napangiti naman ako.
"Nambobola kana naman" sabi ko.
"Sige na, saka nga pala gusto naming makita yung anak ko—hahahha I mean yung inaanak ko pala" sabi nito.
"Ay kabayo!" Gulat na sigaw ko ng biglang kumalabog ng malakas ang pinto ng banyo na mukhang sinara ito ng malakas.
"Ah sige Dion mamaya nalang ha" sabi ko.
"Okay bye" paalam nito kaya ibinaba ko naman yung tawag.
Nagtungo ako sa pinto ng banyo saka kumatok roon.
"Vaughn okay ka lang ba jan sa loob? Narinig ko kasi yung kalabog ng pinto, may nangyari ba?" Tanong ko rito.
Bumukas ang pinto at iniluwa non ang masamang timplang mukha ni Vaughn na mukhang wala sa mood.
"I closed it with too much force, my hand slipped" sabi niya kaya napatango naman ako.
"Ah ganun ba, sige" sabi ko nalang.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomanceSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...