Chapter 49

1.7K 28 0
                                    

Chapter 49

Nang dumating sila sa sala ay agad na ibinigay ng isang tauhan ang kapirasong damit na nahanap nito na mukhang nasunog ang ibang parte nito.

"Nakita po namin ito sa isang sulok na hindi gaanong naapektuhan sa pagsabog pero yung mga parte po ay nasunog po" sabi ng tauhan.

"Ang daming abo, I know that this is not just an ordinary ash. Abo ito ng isang tao, maraming abo kaya malamang namatay rin sa pagsabog ang dalawang gagong iyon" sabi ni Lawrence habang nakatingin sa paligid.

"Dito po kasi nagsimula ang pagsabog. Dalawang bomba po ang sumabog sa mismong lugar na ito kaya lahat po naging abo" sabi ng isang tauhan.

"We're not yet sure if those ashes are also Amie's ashes. I know that she's still alive" sabi ni Vaighn.

Hinawakan ni Vaughn ang damit saka naglakad papunta sa anak niyang hindi parin matigil sa pag iyak.

"Son, is this what your mom wears earlier?" Tanong ni Vaughn sa anak niya.

"Opo, nahanap niyo na po ba si mommy?" Sagot ng bata dahilan para mapaluhod si Vaughn sa buhangin.

"No, this can't be. It can't be her, I know that she's still alive" nawawalang pag asang sambit ni Vaughn.

Pilit niyang sinasabi sa utak niya na buhay pa si Amie pero satuwing nakikita niya ang kapirasong damit ng babaeng mahal niya na mismong anak niya ay nagkumpirma na sakanya nga ito ay nawawalan siya ng pag asa.

"Nandito na ang Doktor na pinapunta ko, ipagamot mo muna iyang sugat mo Rullen" sabi ni Lawrence.

"No" umiiling na sabi ni Vaughn.

"Pwede ba isipin mo naman ang anak mo Rullen? Nawala si Amie dahil iniligtas niya ang anak niyo, isinakripisyo niya ang sarili niya para kay Angelo kaya ipagamot mo na iyang sugat mo bago ka pa maubusan ng dugo at mamatay jan tapos maiiwan na namang mag isa ang anak mo" sabi ni Lawrence.

"No, I know that she's still alive and somewhere. My life wouldn't be complete if I lose her" sabi ni Vaughn.

"Ako na ang bahalang maghanap sakanya kaya please lang magpagamot kana" sabi ni Lawrence.

"No, I should be the one who's gonna look for her" sabi ni Vaughn.

"Saka muna iyon gawin kapag okay kana. But for now let me do it. Kaya magpagamot kana pakiusap Rullen. Gawin mo ito para sa anak mo" sabi ni Lawrence kaya napatingin naman sakanya si Vaughn.

"Please find her" sabi ni Vaughn.

"Oo hahanapin ko siya kaya tumayo kana jan at magpagamot" sabi ni Lawrence.

Alam niyang kasinungalingan ang sinasabi niya. Miski siya ay nawawalan na rin ng pag asa para kay Amie. Nasa harapan na niya ang ebidensya na nagsasabing wala na nga ito pero kailangan niyang magsinungaling para sa kaibigan. Dahil miski siya naaawa na siya rito pati na rin sa inaanak niya.

"I shouldn't have left her" nakatulalang sabi ni Vaughn.

Kakatapos lang gamutin ang sugat nito, at dumidilim na rin. Nakatulog ang bata sa loob ng chopper dahil sa kakaiyak kanina pero si Vaughn ay nakatingin pa rin sa bahay niyang nagiging abo na.

"It's an accident. Pareho nating hindi alam na may mangyayari sakanila rito sa isla kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo" sabi ni Lawrence.

"It's me who should've died and not her. We both promised that we'll marry each other but now she's gone" sabi ni Vaughn kasunod nito ang pagtulo ng mga buti na luha sa mga mata nito.

He is deeply hurt.

Hinawakan ni Lawrence ang likod ng kaibigan saka ito hinaplos haplos para komportahin ito.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon