Chapter 32
Ilang araw ang nagdaan at naging normal naman ulit ang lahat. Yung tungkol sa halik, hindi na yun nadugtungan pa.
"Rence, yung tungkol pala sa sakit ng anak ko. Wala na bang ibang paraan para mawala iyon?" Tanong ko kay Rence sa kabilang linya.
"Meron pa naman, pero sabi ni Rullen ay mas mabuting gawin yung surgery kapag kaya na ni Angelo dahil napakarisky ng surgery na iyon" sabgot niya.
"Sinaktan ka siguro ni Vaughn nong nalaman niyang may sakit ang anak niya at dahil iyon sakin" sabi ko.
"Yep, pinaulanan niya ako ng bala nun pero dahil masamang damo ako ay nailagan ko iyon lahat. Pero I don't think na dahil iyon roon. Alam kong pumalpak ako sa trabaho ko na humanap ng surrgate mother niya na healthy pero kung galit siya tungkol dun ay malamang pinatay niya ako pero hindi naman diba? So baka nga sakin lang niya binuntong ang inis niya nun sa sarili niya. Hindi lang kasi ako lawyer niya kundi parang punching bag na rin" sabi niya.
"I'm sorry kung nagsinungaling ako nun na wala akong sakit, desperada na kasi akong magkapera nun" sabi ko.
"Actually nong araw ng surrogacy mo ay dapat talaga ipacheck pa kita sa doktor para siguraduhing wala ka ba talagang sakit kasi may kutob rin kasi ako nun na nagsisinungaling ka lang sakin na wala kang sakit. Pero yun na nga hindi ka dinala ni Rullen sa hospital at nalaman ko nalang na nabuntis kana pala niya kaya wala na akong nagawa kundi ang mag go with the flow nalang" sabi niya.
"Pero hindi naman kita nakita noon. Hindi naman ikaw yung naghire sakin" sabi ko.
"Busy kasi ako nun kaya inutusan ko lang din yung mga tauhan ko na sila na ang humanap" sabi niya.
"Pero bakit ako ang napili mo? Panigurado namang marami kami diba?" Tanong ko.
"Sa totoo niyan Amie ay nabihag talaga ako sa kagandahan mo nong una kong nakita ang picture mo kaya ikaw yung napili kong para sakin sana kaso epal si Rullen kaya nagparaya ako" sabi niya.
"Mommy, laro na po tayo" sabi ng anak ko.
"Ah sige Rence ibababa kona ito ha, kinukulit na kasi ako ng anak ko" sabi ko.
"Sige, bye" paalam niya kaya ibinaba ko naman ang tawag saka hinarap ang anak ko.
"Nasa sala na ba yung daddy mo?" Tanong ko sakaanya.
"Opo, ikaw nalang po ang hinihintay namin" sabi niya kaya naglakad naman kami papunta sa sala.
"Who are you calling?" Tanong ni Vaughn sakin.
"Ah si Rence" sagot ko.
"Why?" Tanong niya.
"May itinanong lang ako sakanya" sabi ko.
"Do I not know the answer to what you asked him, which is why you asked him rather than ask me?" Tanong niya.
"Sorry, hindi na mauulit. Sayo na ako magtatanong sa susunod" sabi ko.
"Let's start na po wag na po kayong mag away" sabi ng anak ko.
"We are not fighting, son" sabi ni Vaughn.
"Take your card na" sabi ko sabay kuha ng card ko.
Ang lalaruin namin ngayon ay yung cards na may rock, paper, and scissor. Kung sino yung matatalo ay paparusahan it's either truth or dare.
"In a count of 3 show your cards. 1, 2, 3" sabi ng anak ko kaya ipinakita ko naman ang napili kong card.
"Ayyy, first game ako agad ang talo" nanghihinayang na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomansSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...