Chapter 50

1.9K 26 1
                                    

Chapter 50

Napatingin siya sa kabuuan ng babae at napakunot noo. Mukhang galing ang babaeng ito sa isang malagim na laban. Namumula ang braso nito at paa na mukhang hinawakan ng kung sinong may malakas na pwersa dahil namamaga rin ito.

Kumuha siya sa isang cabinet ng isang silicone gel at ipinahid ito sa mga scars ng babaeng walang malay. Mukhang napakalagim ng pinagdaanan ng babaeng ito, hindi niya maiwasang maawa sa kalagayan nito.

"Bihisan niyo siya ng maayos na damit. Ingatan niyo ang pagbibihis sakanya" utos ng Doktor sa dalawang katulong.

"Masusunod po Dok" sabi ng mga katulong.

"Nakapagpahinga naba ang amo ninyo?" Tanong ng Doktor.

"Opo, nasa silid niya po si ma'am natutulog. Pagkahiga pa lang po niya sa kama ay nakatulog na po siya kaagad" sagot ng katulong.

"Mabiti naman kung ganun. Kayo na ang bahala sakanya" sabi ng Doktor sabay alis na at nagtungo sa kwarto ni Divina.

Nang makarating na siya sa kwarto ni Divina ay nadatnan niya naman itong natutulog ng mahimbing sa kama nito. Nilapitan niya ito saka marahang ginising.

"Mrs Abluela" sambit ni Divina.

"Simulan na natin ang check up ko sayo" sabi ng Doktor.

"Okay na ba yung babae?" Nag aalalang tanong ni Divina sa Doktor.

"Okay na ang kalagayan niya" sagot ng Doktor.

"Ano ba yung sakit niya?" Tanong ni Divina.

"May sakit siya sa dugo kaya nong maimpeksyon ang sugat niya ay nagkakumplikasyon rin ang dugo niya. Pero wag kang mag alala dahil binigyan ko na rin naman siya ng gamot para sa sakit niya" sagot ng Doktor.

"Mabuti naman kung ganun" sabi ni Divina.

"Alam mo ba kung sino siya, kung saan siyaa galing, at kung anong nangyari sakanya?" Tanong ng Doktor kaya umiling naman si Divina.

"Hindi, nakita lang siya ng katulong ko sa dalampasigan" sabi ni Divina.

"Baka galing siya sa kabilang isla. Yung nangyari sakanya ay mukhang crimen, I think we should let the police handle her" sabi ng Doktor.

"Satingin mo bakit kaya ganun ang itsura niya?" Tanong ni Divina.

"In my assumptions ay baka biktima siya ng attempted rape. Dalawang tao atah ang gustong mangrape sakanya base sa mga finger imprints na nasa katawan niya pero hindi atah natuloy cause she's still wearing her underwear and short kaya attempted rape" sabi ng Doktor.

"Nahahawa kana sa asawa mong detective. Satingin mo ay bakit naman kaya siya palutang lutang sa dagat? I gave her CPR earlier so I'm sure that she was drowned" sabi ni Divina.

"Kapag nagising siya ay itanong mo sakanya kung ano ang nangyari sakanya" sabi ng Doktor.

"Paano kung magkaamnesia siya? Diba nasa bandang ulo niya yung sugat niya?" Tanong ni Divina.

"Hindi malalim ang pagkabagok sakanya kaya malabong magkaamnesia siya" sagot ng Doktor.

"Ilang araw na pala siyang buntis?" Tanong ni Divina.

"Isang linggo na siyang buntis, buti nalang at hindi siya nakunan. Malakas ang kapit ng bata. At saka hindi naman siguro siya nalunod ng sobra. Mukhang habang lumalangoy siya ay nawalan siya ng malay kaya iyon nagpalutang lutang sa dagat ang katawan niya" sabi ng Doktor.

"Pwede bang tulungan ng asawa mo yung babae? Nakakaawa naman kasi" sabi ni Divina.

"Oo naman, tutulungan siya ng asawa ko kapag nanghingi siya ng tulong" sabi ng Doktor sabay ligpit ng mga gamit niya.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon