Chapter 13

2.1K 33 0
                                    

Chapter 13

Ilang araw na ang nakalipas at naging okay naman ang lahat. Sa kwarto ako ni Vaughn natutulog at naroon na rin ang lahat ng gamit ko pati ang study table ko dahil iyon ang gusto ng anak ko. Kaya naman ay may sarili na rin akong closet sa kwarto ni Vaughn at dun na rin ako naliligo.

Ganun pa rin naman ang routine namin, hindi gaanong pansinan pero kapag matutulog na bigla nalang niya akong yayakapin. Hindi ko alam kung aware ba siya na ginagawa niya yun tuwing gabi o hindi dahil tuwing umaga ay umaasta lang naman siyang parang walang nangyari. Hindi ko nalang rin sinasabi dahil baka maisip niya na ayaw ko na niyayakap niya ako at magalit pa yun sakin.

Heto kami ngayon sa sala ni Lawrence dahil nagpapaturo ako sakanya ng isang article na hindi ko gaanong maintindihan.

"Did you get it?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"Salamat" masayang sabi ko sakanya.

Malapit na kasi ang final exam ko kaya kailangan kong magreccap ng saganun ay wala akong mablangko na tanong.

"So magkatabi na pala kayo ni Rullen matulog?" Tanong niya.

Hindi ba iyon nasabi sakanya ni Vaughn?.

"Ah oo" sagot ko.

"At limang araw na simula nong lagi kayong magkatabi hindi ba?" Tanong niya.

Mukhang wala ngang ikenwento sakanya si Vaughn. Siguro kung hindi ko siya pinapunta rito para tulungan ako aay baka matagal tagal pa bago niya malaman iyon. Pero ano nga ba naman ang pake niya sa bagay na yun?.

"Yeah" sagot ko.

"Wala bang nangyari?" Tanong niya na ikinakunot noo ko.

"Anong ibig mong sabihin? Dapat bang may mangyari? Ano naman yung mangyayari?" Tanong ko.

"Yung ginagawa ng babae at lalaki sa iisang kwarto" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"May dapat pa bang gawin ang babae at lalaki sa kwarto maliban sa pagtulog?" Tanong ko.

"Yes" sagot niya.

"Ano naman?" Tanong ko.

"Sex" sagot niya na ikinanlaki ng mga mata ko.

"A-ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko sakanya.

"Wag kanang paenosente Amie, alam kong ginawa niyo na iyon nong ginawa niyo si Angelo at jan yun mismo sa kwarto ni Vaughn diba? Kaya wag munang itago sakin" sabi niya.

"Ginawa lang namin iyon for surrogacy" sabi ko.

"So hindi mo pa rin pala alam? Alam mo bang dapat wala talagang sex na magaganap sa surrogacy? Dapat ituturok lang sayo yung sperm ni Rullen pero hindi iyon nangyari dahil imbes na dalhin ka niya sa Doktor na hinire namin for the surrogacy operation ay sa kwarto ka niya dinala. Nakahanda na nun ang lahat pero nagulat nalang kami tapos na pala kayo" sabi niya na ikinapula ng buong mukha ko kaya agad naman akong napayuko para hindi niya ito mapansin.

Kinompronta kona si Vaughn tungkol rito pero hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa sagot nito. He said that he just wanted to do that kaya naguguluhan pa rin ako kung bakit.

"Alam ko" sabi ko.

"Talaga? Haysss, may pasabi sabi pa ang lalaking iyon na pain in the ass yung mga babae pero hayok rin naman pala sa babae. Baka ang ibig sabihin niya ay heaven in the ass hahahaha" pagtatawanan nito.

"S-salamat ulit sige alis na ako" paalam ko.

Akmang tatayo na sana akong ng pigilan niya ako kaya napatingin naman ako sakanya. Gosh let me escape.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon