Chapter 17
Amie's POV
Nagising ako dahil biglang kumirot ang ulo ko. Hahawakan kona sana ito ng bigla itong sumakit kaya napadaing naman ako.
"You're awake"
Napatingin ako sa lalaking kakapasok lang sa pinto. Teka nasaan ako? Hindi ito ang kwarto namin ni Vaughn at wala rin akong maalalang may kwarto kaming ganito sa bahay.
"Vaughn nasaan tayo?" Tanong ko.
"We are in my resthouse" sagot niya.
"Anong ginagawa natin rito?" Tanong ko.
"Don't you remember what happened to you?" Tanong niya kaya napaisip naman ako.
"Si Angelo?" nag aalalang tanong ko sakanya.
"He's fine, he is in his room, sleeping" sabi niya.
"Mabuti naman at ligtas siya" buntong hiningang sabi ko.
"Do you remember what happened to your head?" Tanong niya kaya napahawak naman ako sa ulo ko na may benda.
"Yung lalaking nagngangalang Rino, kikidnapin niya sana ako bilang pamalit kay Angelo dahil hindi niya mabuksan ang pinto kahit wala naman dun si Angelo pero nagpumiglas ako kaya binato niya ako sa pader kaya nauntog yung ulo ko" pagkwekwento ko sa mga nangyari.
"The Doctor said you are out of danger" sabi niya.
"Argh" daing ko ng kumirot na naman ang ulo ko kaya lumapit naman siya sakin.
"Drink this" sabi niya sabay abot sakin ng tubig kaya tinanggap ko naman ito at ininom.
"Salamat" sabi ko.
"If you need anything else, ask me" sabi niya.
Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam ito na nagpapahiwatig na nagugutom na ako. Bakit parang gutom na gutom ako?.
"Ah Vaughn, m-may p-pagkain ba?" Nauutal kong tanong.
Nakakahiya naman kasi eih. Kung kaya ko lang sanang tumayo edi sana ako na ang tatayo pero nahihilo pa rin ako. At kung kaya ko lang sanang tiisin ang gutom ko hanggang sa kaya ko ng tumayo edi sana titiisin ko pero kasi gutom na gutom na ako na para bang ilang araw na akong hindi kumakain.
"I'll make the maids prepare it for you" sabi niya sabay alis na.
Maya maya pa ay bumalik naman siya kasama ang dalawang maid na may dalang mga pagkain. Naglagay sila ng maliit na mesa sa harapan ko at doon nilagay ang mga pagkain. Ano toh breakfast in bed?.
"Salamat" sabi ko sa mga katulong bago sila makalabas ng kwarto kaya naiwan naman ulit kami ni Vaughn dito sa kwarto.
"Start eating" sabi ni Vaughn.
"Gusto mong sumabay sakin? Marami itong mga pagkain, hindi ko naman ito mauubos" sabi ko.
"Finish it all, you need your strengths back and you didn't eat for 2 consecutive days so eat it all" sabi niya na ikinagulat ko.
"2 days? So wala akong malay ng dalawang araw?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Mommy!" Rinig kong sigaw ng anak ko na papasok sa kwarto.
Agad ako nitong nilapitan at niyakap kaya niyakap ko naman siya ng mahigpit.
"I miss you baby" sabi ko.
"Namiss rin po kita mommy. Tulog po kayo ng dalawang araw kaya sobra sobra ko po kayong namiss. Mommy wag niyo na po itong uulitin ha, wag na po kayong matulog ng ganun po katagal" umiiyak na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomansaSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...