Chapter 19

2K 32 1
                                    

Chapter 19

Ngayon ang araw na magsisimula akong magtraining. Papunta kami ngayon sa basement dahil naroon daw yung mga training equipment.

Hindi ako aware na may basement pala rito at puno pa talaga ito ng mga iba't ibang gamit sa gym. So kaya pala paminsan minsan ay nawawala si Vaughn ay dahil narito siya. Akala ko pa naman umuuwi siya sa Manila.

"Wow! There are a lot of incredible things in here" manghang sabi ng anak ko.

Isinama nga pala siya namin dahil gustong gusto nitong sumama kaya naman naisipan namin na isama nalang siya. Naisip ko rin kasi na baka ito na rin ang tamang oras para maghanda siya para sa pagiging tagapagmana ni Vaughn. Little by little, no pressure naman.

"These are gym tools and equipment, baby. Ginagamait ito pangpa exercise ng katawan and pagpalaki ng muscles" sabi ko.

"So if I use this everyday magiging katulad po ako ni daddy na malaki ang muscles at may abs po?" Tanong niya.

"Yes pero bata pa ka kaya dapat minimum lang muna yung gagamitin mo, yung pangbata" sabi ko.

"Pero gusto ko pong magkaroon ng muscles at abs katulad ni daddy" sabi niya.

"Do it little by little son, you don't have to pressure your body, you might collapse" sabi ni Vaughn sabay gulo ng buhok ni Angelo.

"Okay po" nakangusong sabi nito.

"Let's start" sabi ni Vaughn.

Ilang araw ang nakalipas at nakabalik na rin ako sa klase. Heto ako ngayon tutok na tutok sa screen ng laptop ko habang nakikinig sa discussion ni Prof.

Nakita kong bumukas ang pinto kaya napatingin naman ako roon. Agad akong napalunok ng makita kona naman si Vaughn half naked at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa pang ibaba niya. Agad kong ibinaling ulit ang pansin ko sa laptop at umastang nakikinig kay prof kahit na parang nabibingi na ako dahil sa sobrang pagkadistracted ko sa katawan ni Vaughn. Akmang dadaan na sana siya sa likod ko ng agad ko siyang pigilan.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung ano ang hawak ko ngayon, yung tiyan niya or so as I say yung abs niya. Gosh ang tigas nga talaga.

"S-sorry" agarang sabi ko hila pabalik ng kamay.

Nararamdaman kona yung dugo ko na tumataas papunta sa mukha ko. Paniguradong ang pula pula na ngayon ng mukha ko bwesit na talaga.

"Why?" Tanong niya habang nakatitig sakin kaya umiwas naman ako ng tingin.

"Ano kasi, nago-online classes ako baka kasi makita ng mga kasama kong online student yung katawan mo" sabi ko na ikinakunot noo niya.

"What's the matter with it?" Tanong niya.

"Baka kasi madistract sila" sabi ko.

"It's just my body, what's distracting from it?" Tanong niya.

"Ah eh, your body is too tempting kasi" sabi ko.

Ano ba ang pinagsasabi mo Amie? Parang inaamin muna rin na natetempt ka rin sa katawan niya, ang manyak mo!.

"I forgot to bring my clothes in the bathroom" sabi niya.

"E o-off kona muna yung cam" sabi ko sabay harap ulit sa laptop ko at inoff yung cam.

Why do I feel guilty? Bakit parang feeling ko na ang selfish ko at nagseselfish ako sa harap ng mga online students na kasama ko just because I don't want them to see Vaughn's body at gusto ko ako lang? Damn it nag ooverthink na naman ako.

Nang makabalik na si Vaughn sa banyo ay in-on ko narin ang camera ko at pinipilit ang sarili na magpokus nalang sa itinuturo ni Prof.

Nang matapos na ang klase ko ay nagtungo na ako sa basement dahil baka hinihintay na nila ako dun.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon