Chapter 24

1.9K 26 0
                                    

Chapter 24

Ngayon ang araw ng graduation ko kaya hinahanda kona ngayon ang anak ko. Isinuot ko sakanya ang isang maliit na suit na sakto sa size niya.

"Ang cute cute naman ng anak ko. Mas lalo kang gumwapo baby" sabi ko rito.

"Talaga mommy?" Tanong niya.

"Yep, para kanang isang little businessman at saka little billionaire" sabi ko.

Well little multi billionaire naman talaga siya. Pinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig dahil mismong daddy niya ay isang billionaire. Masaya ako para sa anak ko pero sana paglaki niya ay hindi siya mabulag sa kayamanan o sa kapangyarihan, sana tutulong siya sa mga taong nangangailangan. Anak ko siya kaya papalakihin ko siyang ganun.

"Nagiging katulad na po ba ako ni daddy?" Tanong niya.

"Yeah, magkamukha na nga kayo ng daddy mo tapos pareho pa kayo ng attire. Para kanang mini him" sabi ko.

"So kasing gwapo ko na po si daddy?" Tanong niya.

"Yep" sagot ko.

"Are you both done?" Tanong ni Vaughn saamin na kakarating lang.

"Daddy! Sabi po ni mommy magkapareho na daw po tayo" sabi ng anak ko sa ama nito.

Napangiti ako sa pagkakapareho nilang dalawa. Pareho silang nakasuit, kaso yung suit ni Vaughn ay kulay itim habang yung anak ko naman ay kulay dark blue. Halos magkamukha na rin silang dalawa lalo pa't parehas sila ng ayos ng buhok. Mag ama nga talaga sila.

"We do?" Tanong ni Vaughn.

"Opo, tas sabi niya po na ang gwapo ka raw po. Kung sinabi niya po na nagiging katulad mo na po ako edi sinasabi niya rin pong gwapo po kayo" sabi ng anak ko na ikinanlaki ng mga mata ko.

Woah, grabeng logic yun anak. Nakakatanggal ng angas at kapal ng mukha.

"Baby, tapos na tayo kaya tara na sa labas" pang iiba ko ng topic.

"She didn't say it directly. She only said that to you" sabi ni Vaughn.

"Hindi po, diba mommy gwapo po si daddy?" Tanong sakin ng anak ko na ikinagulat ko lalo.

"Huh?" Tanging lumabas sa bibig ko.

"Mommy sabihin mo po na gwapo si daddy ayaw niya pong maniwala eih" sabi ng anak ko.

Napatingin ako kay Vaughn na nakatingin lang sakin at mukhang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Of course gwapo ang daddy mo, nagmana ka nga sakanya diba?" Sabi ko.

"Mommy sino po ba ang mas gwapo saamin ni daddy?" Tanong ng anak ko kaya napatingin naman ako kay Vaughn.

"Yung daddy mo, pero ikaw naman yung pinakacute baby" sabi ko.

"Paglaki ko po magiging mas gwapo po ako kesa kay daddy" sabi niya.

"You have to work hard for that, son. Let's go before we get late" sabi ni Vaughn.

"Tayo na baby" aya ko kay Angelo na agad namang humawak sa kamay ko.

"We're going to attend your graduation as one of the board directors of your school and him as the son of one of the board directors" sabi ni Vaughn.

"So ibig sabihin ay hindi ko kayo pwedeng pansinin o kausapin during the event?" Tanong ko.

"This is the only way to prevent people from speculating about your achievement as a valedictorian of the school. If they knew that you are the mother of my child and I am one of the board directors of the school who entered you in that school, they might think that the school is giving you special treatment" sabi niya.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon