Chapter 54

2K 31 0
                                    

Chapter 54

Tatlong buwan ang nakalipas at medyo lumalaki na rin ang tiyan ko. Nagpreprepare na kami dahil ngayon ang kasal namin ni Vaughn. Kinakabahan ako na may halong excitement

"Amie!" Tawag sakin ng isang pamilyar na boses kaya napalingon naman ako roon.

"Divina. Buti at nakarating ka" masayang sabi ko sabay yakap sakanya.

"Ang ganda ganda mo. Bagay na bagay sayo yung wedding dress mo" sabi niya.

"Tumataba nga ako eih" nakangusong sabi ko.

"Okay lang, maganda ka pa rin naman" sabi niya.

"Sabi ko naman kasi kay Vaughn na ipagpaliban na lang yung kasal namin hanggang sa manganak ako pero ayaw niya kaya bloathed tuloy ako ikakasal" sabi ko.

"Ayaw ka lang nun pakawalan kaya gusto na agad agad yung kasal ninyo. Mahal na mahal ka nong tao eih" sabi niya.

"Mag isa ka lang bang pumunta rito? Si Rence ba kasama mo nong pumunta ka rito?" Tanong ko.

"So you know na pala" sabi niya.

"Nalaman ko lang nong makabalik na ako. I'm sorry kung dahil sakin nagkita kayo ah, alam kong plano mong magpakalayo layo kasama ang anak mo kaya ka lumipat doon sa isla diba? Sorry talaga" sabi ko.

"Huwag kang magsorry dahil wala ka namang kasalanan. Actually magpapasalamat pa nga sana ako sayo eih. Dahil sayo ay mabibigyan ko ng kompletong pamilya ang anak ko" sabi niya habang nakahawak sa baby bump niya.

"So, kayo na?" Gulat na tanong ko sakanya at tumango naman siya.

"We're getting married also" sabi niya sabay pakita ng singsing niya.

"Oh my gosh I'm so happy for you" masayang sabi ko.

"Thank you" sabi niya.

"Kailan pa kayo nagkamabutihan ni Rence?" Tanong ko.

"Nong araw na umalis ka ay lagi na siyang bumabalik balik sa isla para bisitahin ako. Ginawa niyang dahilan yung pagbubuntis ko sa anak niya para makaapproach siya sakin" sabi niya.

"Ako kasi nagsabi nun sakanya" sabi ko.

"But I didn't tell you naman diba?" Tanong niya.

"Nong niyakap kita ay alam ko ng buntis ka nun at isang buwan na dahil napagdaanan kona kaya iyon. Narinig ko rin ang heartbeat ng baby mo kaya kumpirmado na bata nga ang laman ng tiyan mo" sabi ko.

"Kaya pala. Maraming salamat dahil sayo kaya lalaking may ama ang anak ko. Ang plano ko lang talaga ay tulad nong sabi mo. Akala ko kasi ay hindi ako papanindigan ni Rence dahil isang pagkakamali lang ang gabing iyon kaya nagpakalayo layo ako. Ayoko rin kasing mapag usapan na disgrasyada ako, alam mo naman mailap ako sa society kaya dapat wala akong issue" sabi niya.

"Sobrang saya ko para sainyo ni Rence at ng anak ninyo. Mabait si Rence kaya promise hindi ka magsisisi na binigyan mo siya ng chansang maging tatay sa anak mo at maging asawa mo" sabi ko sabay yakap ulit sakanya.

"Sige na kailangan ko ng balikan si Rence. Magkita nalang tayo sa church okay? Wag kang kakabahan" sabi niya kaya tumango naman ako.

Umalis na siya at pumasok naman si Dion na agaran ko namang niyakap. Namiss ko ang lalaking ito.

"You came" masayang sabi ko.

"Of course, I would never miss the wedding of my friend" sabi niya.

"Si Jazel?" Tanong ko.

"Papunta na yun rito, alam mo namang lagi iyong late" sabi niya kaya napatawa naman ako.

"Oo nga" sabi ko.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon