Chapter 44

2.1K 27 0
                                    

Chapter 44

Tatlong linggo ang nakalipas, naging sobrang busy si Vaughn pero kahit ganun paman ay nagkakaoras pa rin naman siya para saaming dalawa ni Angelo.

"Mabuti naman at bumaba na kayo, tara na't kumain" aya ko kina Vaughn at Rence.

"Saktong sakto ay gutom na rin ako" sabi ni Rence sabay upo na at nagsimula ng magsandok ng pagkain.

Narito nga pala si Rence dahil pinapunta raw siya rito ni Vaughn dahil may kailangan raw silang trabahuin. Dito siya matutulog mamayang gabi at hindi ko rin alam kung kailan siya babalik ng Manila.

"Sobrang busy niyo these days paniguradong pagod na pagod kayo kaya kumain kayo ng marami" sabi ko.

"Ang bait bait mo talaga Amie, pang wife material" sabi ni Rence kaya nginitian ko naman siya.

"Salamat" sabi ko.

"Mommy ano po ang lulutuin niyo bukas?" Tanong ng anak ko.

"Ano ba ang gusto mong kainin bukas baby?" Tanong ko.

"Namiss ko na pong kumain ng tinola" sagot niya.

"Then tinola ang lulutuin ko bukas" sabi ko.

"Yehey! The best ka po talaga mommy" sabi niya sabay yakap sakin.

Maya maya pa ay natapos na kami sa pagkain kaya dumiritso naman kami sa mga kwarto namin para magpahinga na.

"May nangyari ba sa company mo sa Manila?" Nag aalalang tanong ko kay Vaughn.

"You don't have to worry cause it didn't" sagot niya.

"Edi anong nangyari? Bakit tatlong linggo ka ng sobrang busy unlike before na busy ka nga pero hindi naman gaano kabusy" sabi ko.

"You don't have to worry cause everything is going to be fine soon" sabi niya.

"Mind if you'll tell me kung anong pinagkakaabalahan ninyo ni Rence?" Tanong ko sakanya.

"It's about our plan on how to destroy the organization" sabi niya.

"Ano ba yung plano niyo?" Tanong ko.

"Our first move is to make their company go bankrupt" sabi niya.

"Ang then?" Tanong ko.

"We will sabotage them, I will make sure to kill those 4 brotherhoods. In that way, that organization will no longer appear in this world forever" sabi niya.

"We will make them disappear in this world together, Vaughn" sabi ko.

"I am not planning to bring you into this dangerous mess, Amie" sabi niya.

"Hindi, sasama ako sayo Vaughn. Hindi ko hahayaan na may mangyari sayo" sabi ko.

"Callahan is coming with me, you don't have to worry" sabi niya.

"I thought you trusted me? Hindi ko hahayaang masaktan ang sarili ko at hindi ko rin hahayaang masaktan ka Vaughn kaya hayaan mo akong tulungan ka" sabi ko.

"You've helped me a lot already, Amie" sabi niya.

"Marami ka rin namang naitulong sakin Vaughn. Hinding hindi ako magsasawang tulungan ka sa anumang bagay. Kaya hayaan muna akong tumulong please" pakiusap ko sakanya.

Niyakap niya ako saka hinalikan ang noo ko kaya napapikit naman ako at dinama iyon.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at agad na nagluto ng tinola.

"Mommy! Good morning po" bati saakin ng anak ko na agad akong niyakap ng patalikod.

"Good morning too baby, ginising mo ba ang daddy mo bago ka bumaba?" Tanong ko sakanya.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon