Chapter 7
Amie POV
A week had passed. Okay naman ang lahat, wala namang bago.
"I already bought your school supplies. Laptop, printer, notebooks, and many more" sabi ni Vaughn kaya napatingin naman ako sa mesa sa sala.
Ang daming paper bags.
"Ako na sana ang bumili, nag abala ka pa" sabi ko.
"Prepare yourself for tomorrow cause tomorrow is your first day in class" sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Bukas agad?" Tanong ko.
"You're just a week late from the enrollment so expect it already that you're also late for some discussions" sabi niya kaya napangiti naman ako.
"Okay lang, hahabol nalang ako" sabi ko.
"You have to get prepared early in the morning cause I'm going to drive you there" sabi nito.
Dahil sa sobrang saya ko ay agad akong lumapit sakanya at akmang yayakapin na sana siya ng may maalala ako.
"Sorry kung akmang yayakapin na naman kita, I'm just so happy. Sorry kung nagiging touchy na ako sayo, thank you talaga" sabi ko sabay punta sa table kung saan nakalagay ang mga paper bag.
Today is my first day going back to school kaya nagprepare talaga ako ng husto. Habang kumakain kami ni Vaughn ng breakfast ay feeling ko talaga ay sumusulyap siya sakin. Hindi naman sa assuming ako pero ramdam ko talaga.
Suddenly I cought him staring at me habang nakataas ang kilay. Why?
"Bakit?" Tanong ko.
"Did you put makeup on your face?" Tanong niya.
"Wala naman, hindi naman kasi ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha kaya hindi na ako nag abala pang bumili at hindi rin naman ako marunong. Bakit? Mukha ba akong haggard?" Tanong ko pero umiling lang ito.
"I will be the one who will drive you to your university every morning since I am going to work also so I am just going to drop you there before going to work" sabi niya.
"Hindi ba yun nakakaabala sayo?" Tanong ko pero umiling lang siya ulit.
"Your class will end at exactly 5:30 pm so I will fetch you at 6 pm sharp today" sabi nito.
"Hindi ba sabi mo 10 pm pa ang uwi mo?" Tanong ko.
"I plan to leave work early. This will not be a consistent occurrence, and if I am occupied with work, I will simply request one of the drivers to bring you home" sabi niya.
"May phone naman ako" sabi ko.
"Exactly, you will use your phone to update me if you're already at school and at home" sabi niya.
Seems like bahay-school-bahay ang direksyon ko. Pero anyways okay lang naman iyon sakin since hindi naman ako yung tipong nagi-gig. Dati rin naman ay bahay-school-bahay lang din ang ginagawa ko.
Kaya din siguro gusto niyang siya ang maghatid sakin o di kaya ay ipahatid ako sa driver at susunduin ng saganun ay makatipid ako ng pamasahe. Okay na rin yun ng makaiwas na ako sa paghihintay ng masasakyan para lang makauwi dahil sa pagcocommute.
Narito ako ngayon sa kotse niya, nasa front passenger seat ako kaya magkatabi lang kami ngayon. Pinipilit ko ang sarili ko na manahimik nalang kasi ramdam ko yung awkwardness sa pagitan namin.
Woah! Ang ganda ng unibersidad na toh. Sobrang ganda nakakamangha talaga. Ang lalaki ng mga building saka may sariling parking lot na ubod ng laki. I couldn't believe myself na makakapasok ako sa ganito kalaking paaralan, for sure din ay sikat toh.
BINABASA MO ANG
Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)
RomanceSi Amie Yancey Castro ay isang top student since kinder to senior high school. She was only 20 years old pero naranasan na niya ang mapait na buhay. Wala na siyang nga magulang dahil namatay ang kanyang ina nong siya ay isinilang at ang ama naman ni...