Chapter 52: Si Rhia at ang Reyna

58 4 0
                                    

Chapter 52: Si Rhia at ang Reyna

Rhia's Point of View

Pagkatapos pumunta ng Munir Room ay pumunta naman kami ni Prince Andrexsel ng Trimpa Room. Isa itong malaking tanghalan sa loob ng palasyo ng Kingdom of Ivatra.

Natuwa ako sa magkahalong kulay pink at gold na kurtina ng entablado at disenyo nito na larawan nina Prince Andrexsel at ina nyang si Queen Imarra at sa tingin ko ay ama nya na dating hari ng Kingdom of Ivatra. Pansamantalang pinagmasdan ito ng Prinsipe bago kami umupo. Bakas ko sa mukha niya ang lungkot ngunit ngumiti siya sa akin ng kamiy umupo na ginantihan ko din ng pagngiti. Umupo kami sa unahang upuan ng Trimpa Room ni Prince Andrexsel. Sa araw na yun ay kami lang ang manonood ng pagtatanghal.

Binati kami ng tagapamahala ng Trimpa Room na si Vina. "Magandang araw Mahal na Prinsipe at Binibining Rhia, panoorin nyo ang aming pagtatanghal. Magtatanghal din kami sa araw ng inyong kaarawan Mahal na Prinsipe. Sana ay magustuhan nyo ang aming pagtatanghal."

"Sige umpisahan nyo na." sabi ni Prince Andrexsel na nakaakbay sa akin. Tumingin sya sa akin at ngumiti."Sana magustuhan mo ang pagtatanghal mahal kong Prinsesa"

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nyang nakaakbay sakin bago kami tumingin at nanood ng pagtatanghal. Nag-umpisa na ang pagtatanghal. May mga nagsayaw, naglabas ng mga mahika at nagsadula ng maigsing kwento. Kumikislap ang aking mata at napangiti sa napanood kong pagtatatanghal.

Hinaplos ni Prince Andrexsel ang aking mukha at napatingin ako sa kanya. "Masaya ko na mukhang masaya ka sa napanood mong pagtatanghal Rhia, masaya ko pag masaya ka."

Muli kong nakita ang mga Munir at si Munira na umakyat ng entablado. Tumingin muna sila at bumati sa amin ni Prince Andrexsel. "Kamusta Kamahalan Prince Andrexsel at Binibining Rhia. Muli kaming aawit para sa inyo." paawit na pagbati ng mga Munir.

Napangiti ako at bumati din sa kanila. "Kamusta mga Munir at Munira, natutuwa kong makita kayong muli dto sa Trimpa Room."

Pagkatapos ng pag-awit ng mga Munir at ni Munira ay may lumabas na mga fairy sa entablado. Magaganda sila na may mga green at white na mga kasuotan na pangfairy. Ang iba ay tila gown ang suot at iba ay pangsexy at kita ang tiyan. Bukod sa magaganda sila ay may talento din sila sa pagsayaw. Habang silay sumasayaw patuloy din sa paglabas ang mga ibat-ibang flower sa entablado sa sahig nito at pababa ng kisame.

Biglang lumiwanag na kulay green ang gitna ng entablado. May mga paru-paro din na pumaligid dito.
Biglang lumabas ang isang napakagandang babae. Sya ay nakagown na kulay green na may mga bulaklak.

Siya si Haresiya Seuneda..Tumingin muna siya sa amin ni Prince Andrexsel bago inumpisahan ang pagsayaw. Kinabahan ako at tumingin kay Prince Andrexsel at nakita kong nakangiti ito na pinagmamasdan ang pagsayaw ni Haresiya Seuneda.
Tumingin sya sa akin at natawa ng makita ang mukha ko na kinakabahan. Hinampas ko sya sa braso at sumimangot at lalong tumawa ang Prinsipe. Patuloy lang sa pagsayaw si Haresiya Seuneda at. lalong nagiging sexy ang naging pagsayaw nya at mapang-akit ang tingin sa boyfriend kong Prinsipe.

Parang gusto kong tumayo at sabunutan ang malanding Haresiya!

Patuloy lang sa pagsayaw si Haresiya Seuneda ng biglang may lumabas din na isa pang babae sa entablado. Nagulat si Haresiya Seuneda ng makita ang babae. Tumaas muna ang kilay nito bago sinampal ng kaliwa nyang kamay ang Haresiya. Napahawak sa pisngi nya si Haresiya Seuneda.

"Anong ginawa mo Arviena, bakit mo ko sinampal?" tanong ni Haresiya Seuneda habang hawak nito ang pisnging hinampas ni Haresiya Arviena.

Tinawanan siya ni Haresiya Arviena bago ito magsalita. "Bagay lang masampal ang malanding tulad mo Seuneda hahaha."

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now