Chapter 5 : Yola and Vire

441 247 5
                                    

Chapter 5 : Yola and Vire

Dedicated to danispabilony and Haeun30

Vire's Point of View

"Napakalandi nya ngayon nasa kwarto sya ni Friyan. I hate her kung pwede ko lang syang patayin." sabi ko kay Seris. Na kausap ko ngayon sq room ko. Naiinis talaga ko sa Yola na yun na bagong nagsasanay sa Ivatran Warriors Room.

"Hay naku basta ako eh masaya dahil pupunta mamaya yung boyfriend ko dito sa Ivatran Warriors Room" sagot ni Seris, ang Ikalimang pinuno ng mga Ivatran Warriors.

"Boyfriend? sino si Prince Andrexsel? Hahaha managinip ka lang ng managinip Seris." sagot ko na natatawa sa kabaliwan niya.

"Talaga namang he's my Boyfriend ah" sabi ni Seris at sumimangot.

Natawa na naman ako at tinaasan pa siya ng kilay."Hahaha ilang beses mo ng inakit yun pero di ka pa rin pinapansin"

"Hindi ah, maganda yata ako at sexy at alam kong sobrang naakit ang Prinsipe sa kagandahan ko at kaseksihan" sabi ni Seris sabay hawi ng buhok at kagat labi.

"Hahaha, tigilan mo na yang kalandian mo Seris" sabi ko kay Seris na naiinis na.

"Makalandi to ah ikaw nga inakit mo rin si Friyan kaya ka nakaakyat sa posisyon mo na Ikatlong Pinuno ng mga Ivatran Warriors" tumawa pa siya "Att alam ko may lihim kang pagtingin kay Prince Andrexsel" ngumisi siya "Pero syempre malalagot ka kay Friyan pag nalaman nya yun hahaha."

Nginisian ko din ang baliw kong kaibigan. "Oo inaamin ko may pagtingin din ako kay Prince Andrexsel," Nagningning ang mata ko. "Sino ba namang babae ang di magkakagusto sa kanya? Nasa kanya na lahat, kagwapuhan, kayamanan at kanyang kapangyarihan .Pag naging asawa mo sya ikaw lang naman ang magiging Prinsesa ng Kingdom of Ivatra o magiging Reyna nya pag Hari na sya ng kahariang ito.' Tinaasan ko siya ng kilay. "Pero hindi naman ako masyadong ambisyosya tulad mo para akitin ang Prinsipe at di ko inakit si Friyan talagang gusto nya ko."

"Haha haba naman ng paliwag mo Vire. Ayos na basta ako masaya magkikita kami ng aking Prinsipe mamaya."Kumislap ang mata ng malandi kong kaibigan. "Kaya nagsuot uli ako ng sexy na Ivatran Warriors Armor at nagmake-up ng maganda para maakit uli sya sa aking beauty and sexiness." Kinagat niya ang kanyang labi. "At maglalakas loob na ko na halikan sya hahaha"

Nandiri ako sa pinagsasabi niya "Papapatay ka na ng Prinsipe sa mga tagaparusa nya pag ginawa mo yan, Ay naku parehas kayo ng Yola na yun"

"Ginaganyan mo ko malapit na kong maging Prinsesa ng Kingdom of Ivatra yuyuko ka rin sa akin at gagalang  hahaha" sabi ni Seris.

"Ay naku i really miss my husband, my Prince Andrexsel, my love, my life. Kaya mamaya yayakapin ko uli sya at hahalikan ko na sya hahaha" sabi ni Seris at ngumuso pa.

Pinagtawanan ko lang siya. "Nung niyakap mo sya tinulak ka nya at tinutukan ng espada nya sabay sabing Hoy malanding Seris ayoko sayo, ayoko sa malandi. Kahit anong pang-aakit mo ay di mo ko maaakit tanga, Alam mo naman yung si Prince Andrexsel pag nagsalita hahaha"

Ngumuso uli siya "Kunyari lang yun. Gustong-gusto nya ang aking yakap at magugustuhan din nya ang aking halik hahaha"

"Ay naku bahala ka Seris" sabi ko na inis na inis na kay Seris.

"So maiba ng usapan anong plano mo sa Yola na yun?" tanong ni Seris.

Napaismid ako sa sinabi niya "Naiinis talaga ko sa babaeng yun, may plano ko para sa kanya at para din kay Friyan pag tinuloy nya pa ang pakikipagmabutihan sa babaeng yun"

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now