Chapter 54: Ina

55 4 0
                                    

Chapter 54: Ina

Rhia's Point of View

Lumabas na kami ni Prince Andrexsel sa opisina nya sa Ivatran Warriors Room patungong sanayan sa Ivatran Warriors Room din.

Nakita namin si Friyan na nakaupo at pinagmamasdan ang mga Ivatran Warrior na nagsasanay. Sina Croen at Seris naman ay abala sa pagbabantay sa mga Ivatran Warrior na nagsasanay. Nakita kami ni Seris at nakaramdam siya ng selos.

Napatingin naman kami ni Derick sa isat-isa.Tila maaliwalas ang mukha niya ngayon. Hinanap ko din si Yola pero tila wala siya sa mga nagsasanay na pinagtaka ko.

Lumapit kami kay Friyan at kinausap ito ni Prince Andrexsel."Friyan, kamusta pakiramdam mo?"

"Maayos naman Kamahalan, unti-unting natatanggap ang nangyari sa king ama." sagot ni Friyan na kinakalma ang sarili.

"Mabuti naman kung ganun Friyan" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi na pinagtaka ni Friyan.

Lumakad kami ni Prince Andrexsel patungo sa gitna ng sanayan. Tumingin sa mga Ivatran Warrior si Prince Andrexsel at nagsalita. "Kamusta mga Ivatran Warriors, may nais akong sabihin sa inyo."

Naghintay ang mga Ivatran Warriors sa sasabihin ng Prinsipe.

Tumingin si Prince Andrexsel sa akin at ngumiti. "Pinakikilala ko sa inyo si Rhia, ang aking nobya." tumingin muli si Prince Andrexsel sa mga Ivatran Warriors. "Siya rin ang aking Hivre" Saglit huminto si Prince Andrexsel sa pagsasalita."Ngayon ay hindi ko lang siya Hivre, itinatalaga ko na din siya bilang ikatlong pinuno ng mga Ivatran Warrior, kapalit ni Vire."

Nagulat ako at ang lahat ng nasa Ivatran Warriors Room lalo na ang mga pinuno ng mga Ivatran Warriors na sina Friyan, Croen at Seris sa sinabi ng Prinsipe.

Napatayo si Friyan sa kanyang upuan. at lumapit sa amin ni Prince Andrexsel. "Kamahalan, ano ang inyong sinasabi? ang inyong nobya ang papalit kay Vire bilang ikatlong pinuno ng mga Ivatran Warrior?" tanong ni Friyan na hindi makapaniwala.

Tumawa si Prince Andrexsel. "Bingi ka ba pinsan, sabi ko nga ang nobya kong si Rhia ang itinatalaga kong ikatlong pinuno ng.mga Ivatran Warrior." at ngumisi pa sya kay Friyan.

Napakunot ang noo ni Friyan. "Ano ba ang kakayahan niya at lakas upang siya ang italaga ninyo Kamahalan?"

Ngumisi si Prince Andrexsel."Baka gusto mong labanan ka ni Rhia pinsan ng malaman mo ang kakayahan niya at lakas." nagulat si Friyan at bahagyang kinabahan sa sinabi ng Prinsipe. "Baka naman gusto mong bumalik pa si Vire sa posisyon niya o may gusto kang ipalit na iba hahaha."
tumahimik lamang si Friyan pero inis sa sinabi ng Prinsipe.

"Sige mga Ivatran Warrior aalis na muna kami ng inyong ikatlong pinuno." sabi ni Prince Andrexsel.

Bago magteleport kami ni Prince Andrexsel paalis ng Ivatran Warriors Room ay muli kaming napatingin ni Derick sa isat-isa. Nais ko sanang itanong kung nasan si Yola ngunit tineleport na ko pabalik ni Prince Andrexsel sa room niya.

"Bakit ginawa mo kong ikatlong pinuno ng mga Ivatran Warrior Pangit? nagulat ako at naguguluhan na naman." tanong ko kay Prince Andrexsel.

Tumawa siya."Ganda, hahaha ako ang Prinsipe, ginagawa ko ang mga nais kong gawin." sabi niya at tumawa uli siya.

"Natatawa ka pa, naguguluhan ako sa mga ginagawa mo Pangit." sabi ko at sumimangot.

Pumunta ng room si Ikayil dala ang pagkain namin ni Prince Andrexsel. Biglang kong naalala si Queen Imarra at kung ano ang nangyari dito.Kaya tinanong ko si Prince Andrexsel.
"Pa-pangit, ka-kamusta ang iyong Ina? ah kasi.' napahinto ko sa pagsasalita sa kaba."Nakita mo ba yung kagabi, ewan ko kung naabutan mo yun, baka panaginip lang din."

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now