Chapter 36: Magical
Rhia's Point of View
Pumunta na kami ng sanayan ni Prince Andrexsel.
"Magsanay na uli tayo Rhia" sabi ng Prinsipe. Hindi siya nakangiti at tila nag-aalala.
"Oo Kamahalan" sabi ko sa malungkot na tinig.
Nag-aalala kasi ko sa nararamdaman niya ngayon, na nawawala si Graceno.
"Hahaha, ang kulit mo Rhia, sabi ng Andrexsel na lang itawag mo sa akin."
sabi ni Prince Andrexsel."Na-nahihiya kasi ako, Kamahalan" sabi ko.
Tumatawa siyang yumakap sa akin.
"Ano ka ba naman, huwag ka ng makulit, sundin mo na lang ang utos ko Hivre" sabi niya.
Utos? hahaha.
"Si-Sige, A-Andrexsel" sabi ko na namumula ang pisngi.
Kumalas siya sa pagyakap sa akin na nakangiti.
"Very Good, aking Hivre" sabi ni Prince Andrexsel.
Andrexsel na ang gusto niyang itawag ko sa kanya, pero tinawag pa rin nya kong Hivre.
Madaya!
"Mag-umpisa na tayo ng pagsasanay" sabi niya.
Nag-umpisa na uli kami sa pagsasanay. Hinayaan muna niya ako na igalaw galaw ko ang aking espada.
"Nakakatuwa na natutunan mo agad ang tamang paggalaw ng espada Rhia" sabi ni Prince Andrexsel na hindi nakangiti.
Natutuwa siya ngunit hindi siya nakangiti.
Maging ako ay nagugulat na natutunan ko agad ang tamang paggalaw ng espada.
"Maglaban na tayo Rhia" sabi ng Prinsipe.
"Sige, A-Andrexsel" sagot ko na nagpangiti sa kanya.
Nag-umpisa na ang aming laban. Nakakasabay na ako sa galaw ng espada ni Prince Andrexsel. Natutuwa ako at nagugulat.
Lalo kong kinagulat ng mapatalsik ko ang espada niya. Napatingin ng seryoso sa akin si Prince Andrexsel.
Nagulat ako ng bigla siyang mapaluhod. Sinapo niya ang kanyang ulo.
"Kailan matatapos ang mga problema ko." sabi ni Prince Andrexsel.
Lumuhod din ako at hinawakan ang mukha niya.
"Rhia" sabi ni Prince Andrexsel na bakas sa mukha ang lungkot at pangamba.
"Si-Si Gra-Graceno ang pinakapinagkakatiwalaan ko, kasama at karamay ko sa mga problema, siya ay matalik na kaibigan para sa akin Rhia, at ngayon ay hindi pa siya nagpapakita, hindi ko alam ang gagawin ko Rhia" sabi niya at niyakap niya ako.
Niyakap ko rin siya "Makikita natin si Graceno, A-Andrexsel, Malalampasan natin ito". sabi ko.
Mas humigpit ang yakap niya.
"Maraming Salamat Rhia, nagpapasalamat ako na nandito ka, na dumating ka sa buhay ko, nandito ka para damayan at pasiyahin ako, di ko yata kakayanin pag nawala ka sa akin" sabi niya na kinagulat ko.
"A-Andrexsel, nandito lang ako para sayo" sabi ko.
Yola's Point of View
Hindi na kami nakatulog ni Derick at inabutan na ng umaga na dilat ang mata.
Pinapunta kami ni Haresiya Fresca sa dining room ng Haren niya upang doon na mag-almusal.
"Tila hindi kayo nakatulog" sabi ni Haresiya Fresca.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...