Chapter 13: Fedrena

234 123 4
                                    

Chapter 13 : Fedrena

Yola's Point of View

Tumayo ako sa aking kama para tignan ang sitwasyon sa labas ng room ko sa Ivatran Warriors Room.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla kong narinig ang tinig ni Graceno na biglang sumulpot sa aking kwarto na kinagulat ko.

"Kamusta Yola?" tanong ni Graceno na walang emosyon.

Humarap ako sa kanya. "Gra-graceno a-ayos lang ako." sagot ko na kinakabahan.

"Ang sabi ko sa inyo ni Derick ay magsanay kayo dito sa Ivatran Warriors Room. Di manggulo, lalo na sa isang relasyon." sabi ni Graceno.

Nakaramdam ng hiya sa sinabi ni Graceno. "Hi-Hindi ko sinasadya Graceno.Pero kung maari ay ibalik mo na kami sa mundo namin at makakatulong iyon upang hindi na lumala ang gulo rito." pakiusap ko kay Graceno.

"Ikakasal na si Vire at Friyan dahil magkakaanak na sila, kaya pakiusap huwag mo na silang guguluhin pa." sabi ni Graceno. Hiyang-hiya talaga ako at nasasaktan din sa sinasabi niya. Naglaho naman si Graceno sa aking kwarto.

Biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Sino yan?" tanong ko.

"Si Derick ito Yola, at si Yana at Seon."
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Agad akong niyakap ni Derick at ng mga kasama ko sa kwarto na sina Yana at Seon.

Nanatili kasi sila sa labas ng nagkakagulo sa Ivatran Warriors Room dahil sa mga Osko habang ako ay takot na pumasok agad sa aking kwarto haha.

"Pa-Pasensya na kayo. Natakot ako at nagtago dito sa kwarto." sabi ko na  nahihiya.

"Ayos lang Yola. Mahalaga ay ligtas ka at ligtas tayong lahat" sabi ni Derick.

"Oo nga Yola ayos lang yun." sabi nina Yana. "Oo Yola ayos lang." sabi naman ni Seon."

Umupo kaming apat sa aking kama.
Magkatabi kami ni Derick at kasunod naman niya sina Seon at Yana.
Nagkatinginan si Derick at Seon sa kanilang pag-upo pero agad iniwas ni Derick ang kanyang tingin. May ngiting sumilay naman sa labi ni Seon.

"Uy nagkatinginan si Derick at Seon at kinikilig itong si Seon, may bago na naman siyang hinahangaan bukod kay Prince Andrexsel." tukso ni Yana.
Nahiya at kinabahan pareho sina Derick at Seon. Natawa naman kami pareho ni Yana.

"Nagkatinginan lang kami dahil umupo kami." paliwanag agad ni Derick.

"Oo nga Yana." sabi ni Seon at ngumiti. May tinatagong kilig.

"Oo nga huwag mo na silang intrigahin Yana, at may nagmemay-aari na ng puso ni Derick haha." sabi ko. Nadissapoint at napasimangot si Seon.

"At sino ang maswerteng babae na iyon?" tanong naman ni Yana.

"Yung friend kong si Rhia Evenir and soon to be Misis ni Derick Kesser kaya magiging Misis Rhia Kesser sya haha." sabi ko sabay siko kay Derick na kinilig sa tukso ko.

"Ay sayang naman." sabi ni Yana at nakangisi siyang tumingin kay Seon na lalong napasimangot sa narinig.

"Pero sure ko gusto din ng Rhia na yan si Prince Andrexsel, ako rin sobrang gusto ko din ang Prinsipe haha, dahil siya ang pinakagwapo at pinakamalakas na lalaki sa Kingdom of Ivatra." sabi ni Yana na kinikilig.

Napasimangot si Derick at tinignan ng masaya si Yana. Agad itong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Yana kasi bakit mo pa sinabi yun." sabi ko na kinakabahan.

"Sorry Yola." sagot ni Yana na nahihiya.

Magkasama si Prince Andrexsel at Rhia ngayon dahil ginawa ata siyang  Dasre ng Prinsipe. Kaya naman nagalit itong si Derick sa sinabi ni Yana dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Rhia at siguro may pag-aalala rin si Derick na baka magkagusto si Rhia kay Prince Andrexsel.

"Ay naku matulog na nga tayo Yana at Seon." sabi ko. Tumayo na sina Yana at Seon sa kama ko at humiga sa kanilang mga kama sa aming kwarto at natulog na ang dalawa.

Ako ay nakapikit lang at iniisip sina Vire at Friyan. May lungkot akong nadama. Naisip ko din ang panganib na nangyari sa palasyo ng Kingdom of Ivatra. Sana ay wag ng masundan pa ito.

Vire's Point of View

Pumasok si Seris sa aking kwarto. Naabutan niya ko na pinapana ang isang kahoy sa aking kwarto.
"Binubuhos mo ang galit mo kay Yola sa pagpapana haha." asar ni Seris sa akin.

"Tumahimik ka Seris." sabi ko at tinuloy lang ang pagpapana.

"Buti nga kayo ikakasal na ng boyfriend mo at magkakaanak na kayo, kami ng boyfriend ko hindi pa huhuhu." sabi ni Seris.

Natawa ko sa sinabi niya."Hahaha, eh hindi mo naman boyfriend si Prince Andrexsel. Pano kayo magpapakasal at magkakaanak?" asar ko kay Seris at ngumisi.

"Oo nga eh, hindi talaga niya ko gusto." lumabi si Seris. "Hindi ko na din talaga siya maaakit dahil pinagbabantaan niya ko na huwag ko na siyang aakitin kundi kamatayan ang parusa ko."humalukipkip siya at sumimangot. "Sinabi niya iyon habang kasama niya at magkahawak sila ng kamay nung pangit na Dasre na ngayon ko lang nakita." sabi ni Seris.

Humarap ako kay Seris.
"Anong pinagsasabi mo diyan Seris? Pangit na Dasre?" tanong ko na may pagtataka.

"Yung kasama niya dito ng isang araw." sagot ni Seris.

Tumaas ang aking kilay at tumawa. "Dasre lang niya iyo Seris haha. Ano ka ba?" sabi ko. "Saka pinabalita na sa buong kaharian ang kasal niya kay Haresiya Arviena, kaya wala ka na talagang pag-asa kawawang Seris haha."

"Oo nga eh pero alam ko hindi naman niya girlfriend si Haresiya Arviena tapos bigla na lang na ikakasal sila." sabi ni Seris.

"Kagustuhan ito ni Queen Imarra at dapat sundin ng Prinsipe." sabi ko.

Rhia's Point of View

Nagteleport kami ni Prince Andrexsel papuntang Fedrena Room. Nagulat ang mga Fedre at Dasre sa pagpunta ni Prince Andrexsel. Isa sa nagulat ay si Erka at nakita nya na magkahawak kami ng kamay at magkasama ni Prince Andrexsel na nagteleport sa Fedrena Room. Nandun din si Punong Dasre Pigna at anak niyang si Matavara at si Ikayil ang Punong Fedre.Yumuko silang lahat at nagbigay pugay kay Prince Andrexsel.

"Nagpunta ba rito ang mga Osko?" tanong ni Prince Andrexsel.

"Opo Kamahalan pero napigilan sila ng mga tagabantay ng palasyo." sagot ni Pigna na bakas ang takot sa mukha.

"Huwag na kayong matakot at maayos na ang lahat at wala na ang mga Osko sa palasyo. Ituloy niyo na ang inyong mga gawain." sabi ni Prince Andrexsel.

"Saan ka rito nagluluto Rhia?" tanong ni Prince Andrexsel. Tinuro ko ang pinaglulutuan ko ng pagkain niya.

Nagulat ako ng hinatak ako ni Prince Andrexsel papunta sa aking pinaglulutuan.

"Magluto ka na ng pagkain natin Rhia." sabi ni Prince Andrexsel.

Napatingin ako sa aming kamay na magkahawak. Kinabahan at namula ang aking pisngi. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Nagtitigan kami.

Biglang lumapit sa amin si Erka at nagsalita. Napatingin kami ng Prinsipe sa kanya.
"Mahal na Prinsipe lubos ang aming pasasalamat sa iyong pagpunta dito sa Fedrena Room. Lalong nabawasan ang aming kaba. Diba tama ako Dasre Rhia." sabi ni Erka at ngumiti sakin. Tiningnan naman niya ng nang-aakit si Prince Andrexsel.

Tumingin muli sa akin si Prince Andrexsel. "Magluto ka na Rhia" sabi ni Prince Andrexsel na walang emosyon.

Tinanggal ko ang aking kamay na nakahawak kay Prince Andrexsel at inumpisahan ang aking pagluluto.
Habang nagluluto ay nakatingin sa akin si Prince Andrexsel na ikinais ni Erka. Nakatingin din ang ibang mga Fedre at Dasre.

writist_j

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now