Chapter 14 : Ivatran Warrior

256 121 3
                                    

Chapter 14 : Ivatran Warrior

Rhia's Point Of View

Tumingin ako kay Prince Andrexsel. "Ka-Kamahalan, bu-bumalik ka na sa Dasre Room, ka-kasi,,," sabi ko na kinakabahan.

Nahihiya kasi ako sa mga nasa Fedrena Room na magkasama at magkalapit kami ng Prinsipe at tila binabantayan niya ko sa pagluluto.

"Gusto kitang bantayan." sabi niya na kinagulat ko at ikinatulala. "Matapos ang nangyari, ay da-dapat, na-nais ko na bantayan ka muna." sabi ni Prince Andrexsel na kinakabahan. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Pa-Pagpatuloy mo na ang pagluluto mo, nagugutom na ko." iniwas ko ang aking tingin sa kanya at pinagpatuloy ang aking pagluluto.

Nasa malapit namin si Erka at tinitignan kami. Napansin siya ni Prince Andrexsel na kinainis ng Prinsipe. "Ano tinitingin tingin mo dyan at parang estatwa ka diyan Fedre? O mas magandang sabihing usiserang Fedre ka." sabi ni Prince Andrexse na masama ang tingin kay Erka. "Ang trabaho mo ay magluto Fedre hindi para makinig ng usapan ng iba. Lumayo ka sa amin tsismosang Fedre." lumayo na si Erka na maiiyak sa sinabi ng Prinsipe.

Tumingin ako ng masama kay Prince Andrexsel at nagsalita."Kamahalan hindi dapat ganun ang trato mo sa mga tauhan ng palasyo. Pwede mo naman siyang kausapin ng maayos." sabi ko.

Natawa si Prince Andrexsel."Hahaha, magluto ka na nga, kesa nangingielam ka sa akin, eh talaga namang tsismosang tagaluto siya." sabi ni Prince Andrexsel at humalukipkip.

Nakasimangot na pinagpatuloy ko ang pagluluto. "Rhia baka sumama ang lasa niyan dahil sa galit mo hahaha." sabi niya.

Imbes na mainis ako sa sinabi niya ay napangiti ako. Naisip ko kasi na hindi na niya talaga ko tinatawag na Dasreng Pangit o Dasre Rhia kundi Rhia na lang. Napangiti ako at namula ang pisngi.

"O kanina galit ka, ngayon ngingiti-ngiti ka diyan, baliw." sabi niya na nagpabalik ng inis ko.

Sa wakas ay natapos ko rin ang pagluluto. Tinikman muna ni Prince Andrexsel ang niluto ko. "Ang sarap, basta ikaw ang nagluto masarap." sabi ni Prince Andrexsel. Natuwa ako at napangiti sa sinabi niya.

Nilagay ko na ito sa malaking pinggan, si Prince Andrexsel ang kumuha ng pinggan na kakainan namin, baso at isang kutsara lang ang kinuha niya na nagpamula ng aking pisngi. Mukhang alam ko ang balak niya at parang natutuwa at kinikilig ako hehe. Nang mailagay na namin ito sa tray ay marahan na hinawakan ni Prince Andrexsel ang kamay ko habang hawak ko ang tray. Nagteleport na kami patungong kwarto ko.

Nag-usap naman ang ilan sa nasa Fedrena Room tungkol sa pagpunta namin ng Prinsipe sa Fedrena Room.

Isa rito ay si Erka na kausap ang mga friends niyang Fedre.

"Sino ba ang pangit na Rhiang yun, napili na nga siyang Personal na Dasre ni Prince Andrexsel ay tila close pa sila ng Prinsipe?" tanong ng friend ni Erka na nakataas ang kilay at nakahalukipkip.

"Oo nga parang binabantayan pa siya ng Prinsipe dahil sa nangyaring pagpasok ng mga Osko." sabi naman ng isa pang friend ni Erka na nagseselos.

"Oy hindi magkakagusto ang Prinsipe sa pangit na Rhiang yun." sabi ni Erka na tinaas din ang kilay at humalukipkip.

"Sabagay kakasal na nga si Prince Andrexsel sa napakagandang si Haresiya Arviena, kaya kalokohan niyang sinasabi niyo.." sabi ng Friend ni Erka. Napasimangot si Erka at iba pang Fedre sa narinig.

***

Bumalik na kami ni Prince Andrexsel sa room ko sa Dasre Room dala ang aming pagkain. Si Prince Andrexsel ang naglagay ng pagkain sa isa sa mga pinggan. Dalawa ang pinggan pero isa lang ang nilagyan niya.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now