Chapter 51: Bintana

116 7 2
                                    

Chapter 51: Bintana

Rhia's Point of View

Sumasakit ang ulo ko na bumangon sa kama ng aking boyfriend.

Biglang sumulpot si Queen Imarra na kinagulat ko, pero mas nagulat ako ng hinawakan nya ang braso ko at nakatingin ng masama sakin.

"Sino ka ba talagang babae ka?" sabi ng Reyna na may magkahalong galit at pangamba sa kanyang mukha.

Gulat na gulat ako sa sinabi nya at nagtataka."A-anong sinasabi nyo mahal na Reyna?" sabi ko.

Tinanggal ng Reyna ang pagkahawak sa braso ko at pinilit huminahon. Tumingin sya sa natutulog nyang anak bago tumingin muli sakin.

"Alam mo ba kung sino ka? bakit napunta ka rito mortal na tagamundo ng mga tao" sabi ni Queen Imarra na may galit.

Nagulat ako ng husto sa sinabi nya."Pano nyo nalaman na tagamundo ako ng mga tao mahal na Reyna? kung ganon ay alam nyo na palang galing ako dun." sabi ko na kinakabahan, nakaramdam din ako ng lungkot na nalaman iyon ng Reyna.

Humalakhak si Queen Imarra na pinagtaka ko.

"Mag-uusap tayong muli" tumingin ito kay Prince Andrexsel. "Hintayin mo na lang magising ang iyong nobyo at anak ko" sabi ng Reyna at ngumisi na kinakaba ko. Nagteleport na sya paalis ng room.

Umupo ako sa kama, tinignang ko si Prince Andrexsel na mahimbing pa ring natutulog.

Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi magising si Prince Andrexsel. "Andrexsel, Andrexsel" sabi ko hanggang sa tumulo na ang luha sa mata ko at umiyak.

"Ano ang nangyayari?" patuloy akong umiyak at inulit ulit ang paggising sa kanya hanggang sumapit ang tanghalian.

Pumunta si Erka sa room at sinabing pinapunta ako sa Damira Room para sabayan daw sa pagkain ni Queen Imarra.

Bagamat may alinlangan at galit ay naisipan kong tumungo pa din, kailangan kong harapin muli ang Reyna. Tumingin muna ko kay Prince Andrexsel bago ko nagteleport patungong Damira Room.

Yola's Point of View

Nag-umpisa na uli ang pagsasanay namin sa Ivatran Warriors Room.

Sa unahan ako pinapwesto ni Friyan kaharap sya, katabi ko naman si Derick.

Pinagmamasdan ni Friyan ang paghawak at paggalaw ko ng espada, napapangiti sya, lalo na pag pinagmamasdan ang aking mukha.

Hays di tuloy ako makaconcentrate hahaha.

Napatingin din ako kay Derick na pursigido sa pagsasanay niya. Napangiti ako at may sayang nadama para sa kaibigan ko, pursigido sya sa pagsasanay para kay Rhia at nalilibang sya. Pero sana ay di na sya makaisip ng di maganda.

Napatingin naman ako kina Seris at Croen, nagulat ako at kinabahan dahil nakatingin sila pareho sakin.

"Kamusta na kaya si Vire? nabalitaan ko ay namatay ang anak nila ni Friyan na nasa tiyan nya at di na tuloy ang kasal nila" tanong ni Croen.

"Hindi ko alam Croen, d ko pa nakakausap si Vire" sabi ni Seris at bumuntong hininga.

Tumingin siya ng masama sa kinaroroonan namin ni Friyan. "At ngayon ay mukhang nakipagbalikan ata sya sa malandi nyang ibang babae" sabi ni Seris at tumaas ang kilay.

Natawa naman si Croen. "Hahaha, ganyan talaga si Friyan, babaero, pero mukhang tinamaan sya ng todo kay Yola"

Nahinto na ang aming pagsasanay.

"Ang galing mo Yola, pagbutihin mo pa lalo" sabi ni Friyan at ngumiti.

Natawa naman ako at kinilig din
"Hahaha Friyan puro mali nga ako eh, pero pagbubutihin ko pa" sabi ko.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now