Chapter 53: Ama

44 4 0
                                    

Chapter 53: Ama

Yola's Point of View

Kinaumagahan ay pinapunta ako ni Friyan sa kanyang kwarto para dun mag-almusal. Kasama namin uli si Derick na kumain..

Napansin ni Friyan na malungkot ako kaya nagtanong siya."Bakit ka naman malungkot Yola?"

"Friyan, hi-hindi ako malungkot, ku-kumain na tayo." sabi ko na kinakabahan at umiwas ng tingin sa kanya.

"Akala ko kasi ay namimiss mo si Haresiyo Venido."

Kinagulat ko ang sinabi niya. "Fri-Friyan a-ano ba yang sinasabi mo? hahaha, kumain na nga tayo" iniwas ko na ang tingin sa kanya at nag-umpisa ng kumain.

Tumingin naman si Friyan kay Elum the dragon na nakatayo katabi ng upuan ko at napansin ko ito. Nakaramdam ako ng kaba sa tingin niyang iyon, pero iniwas din niya agad ang tingin at kumain na din.
Napatingin naman ako kay Derick at napansin kong ngumingiti ito at masayang kumakain na ipinagtaka ko.

Napansin niya na nakatingin ako at nagsalita siya."Yola kain lang." sabi at ngumiti siya sakin. Bagamat nagtataka ay tinuloy ko na lang muli ang aking pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay may inabot sa akin si Friyan na magandang damit.  "Isuot mo yan Yola, may pupuntahan tayo."

"Pupuntahan? saan Friyan?" tanong ko.

"Basta Yola magbihis ka na sa banyo." sagot ni Friyan.

Biglang nagsalita si Derick. "Baka magdedate kayo Yola, sana all may kadate hahaha.." Napapansin ko talaga na ang saya niya ngayon at maaliwalas ang mukha niya kumpara sa mga nagdaang mga araw.

Pumasok na din ako ng banyo upang magbihis. Namamangha talaga ko at nagagandahan sa dress na pinasuot sakin ni Friyan. Pagkabihis ay lumabas na ko ng banyo at nakitang nakaabang si Friyan. Wala na si Derick sa room at lumabas na ito.
Kumikislap ang mga mata ni Friyan habang pinagmamasdan ako, gandang ganda sakin ang Friyan ko haha.

"Yola my love sadyang napakaganda mo." sabi ni Friyan. Kinikilig naman ako at namumula ang pisngi haha.

Inilahad ni Friyan ang kamay niya sa akin. "Tayo na Yola, sumama ka sakin.

Kinakabahan na hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin at halikan. Pagkaalis ng kanyang labi ay nagsalita sya. "Yola, mahal kita, di ko papayagan na mawala ka sa aking piling."Nagtitigan kami.

Inaaya na nya kong umalis. "Yola tayo na."

Tumingin muna ko kay Elum dragon ko at nagsalita. "Pwede ba natin isama si Elum Friyan?"

Nainis si Friyan."Huwag mo na yang isama Yola, tayo lang dalawa dapat."

Tineleport nya ko agad tungo sa kabayo niya na kulay brown at tinungo kami nito sa isang malaking bahay. Pumunta kami sa sala ng bahay at may nakita kaming babaeng umiiyak sa sofa.

Nilapitan ni Friyan ang babae."Ina bakit ka umiiyak?"

Tumingin kay Friyan ang kanyang ina "Buti at pumunta ka rito anak."

"Oo Ina, nais kong ipakilala ang bago kong nobya na si Yola, sa inyo ni Ama" sabi ni Friyan.

Tumingin sa akin ang babae na may luha pa din sa mata, pinagmasdan niya ako bago tumingin muli kay Friyan. "Fri-Friyan ang i-iyong amang si Armano." humikbi ang ina ni Friyan bago muling magsalita."Wa-wala na siya Friyan." sabi ng ina ni Friyan at di na nito napigil humagulgol.

Gulat na gulat si Friyan pati ako sa narinig. Pinag-igting ni Friyan ang kamao bago nagsalita."A-Asan siya Ina, asan si Ama?"

"Nasa taas siya Friyan, hinihintay ka niya." sabi ng ina ni Friyan at humagulgol uli.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now