Chapter 29: BestFriend's Secret

154 50 0
                                    

CHAPTER 29: Bestfriend's Secret

Rhia's Point of View

Nagising ako mula sa pagkakatulog.

Panaginip? Panaginip lang ba iyong pagpunta ko ng room ni Prince Andrexsel?

"Ikaw ang laging hanap hanap sa gabit araw, ikaw ang nais kong sa twina ay natatanaw" narinig ko ang magandang tinig ng isang poging lalaki.

"De-Derick?" tanong ko na nagulat sa morning song ni Derick Kesser.

"Good Morning Beautiful" sabi ni Derick.

Beautiful? Aba nambobola tong crush ko ah hahaha.

"Agang lumambing ni Loverboy" sabi ni Yola sabay bato ng unan kay Derick.

Nabato ni Derick sa sahig ang unan.

"Ano ka ba naman Yola, panira ng moment" sabi niya.

"Bakit di mo pa kasi sabihin ang hindi mo maamin, ipapaubaya na lang ba sa hangin. Huwag mong itatago ang bulong ng damdamin mo" kanta ni Yola.

Tumawa ng tumawa si Derick. Ang kulit nila.

"Wait lang Yola. Malapit na' sabi ni Derick.

"Ay Exciting" sabi ni Yola na kumikislap ang mata. Naguguluhan ako sa kanila hahaha.

Iniabot ni Derick ang kamay niya sa akin na kinagulat ko.

"Ba-bakit Derick?" takang tanong ko.

"Itatayo kita Beautiful." sabi ni Derick.

Crush wag kang ganyan hahaha.

Humawak ako sa kamay ni Derick at tumayo na ko sa aking kama.

Kilig na kilig si Yola na tila kinikilig sa Favorite Love Team niya hahaha.

"Thankyou Derick" pasasalamat ko na namumula ang mukha.

"Your Welcome Beautiful" sabi ni Derick.

"Hahaha Derick sumusobra ka na ha" sabi ko.

Nagulat ako ng kurutin ni Derick ang pisngi ko. Naalala ko na naman siya. Kamusta kaya siya.

"Ang cute mo Rhia" sabi ni Derick na nakangiti.

"Kamahalan" sabi ko na kinagulat ni Derick at Yola. Napahawak ako sa bibig ko.

Nawala ang ngiti sa labi ni Derick at bakas sa mukha niya ang lungkot kaya kinalma siya ni Yola.

"Nasanay lang kasi si Rhia na laging tumatawag ng Kamahalan dahil naging Dasre siya" sabi ni Yola. Pinilit ni Derick na kumalma pero malungkot pa rin siya.

Dumating sa room ang mga Dasreng may dalang food namin at nag-almusal na kami. Pagkapahinga namin ay sumulpot si Yekesha.

"Kamusta mga friends" bati ng kikay na si Yekesha.

"Maaari kayong lumabas upang mamasyal" sabi ni Yekesha na nakasmile.

"Mamasyal?" sabay-sabay naming tanong.

"Yes mga friends" sabi ni Yekesha.

Naglabas siya ng tatlong baraha mula sa sombrero niya at pinalaki niya ito.

"Pwede kayong sumakay diyan" sabi ni Yekesha na nakangiti.

"Sasakay kami diyan?" sabay sabay naming tanong.

"Oo nga, kulit mga friends" sabi ni Yekesha.

"Ayokong sumakay, kung ang sasakyang barahang yan ay makakapagbalik sa amin sa mundo ng mga tao ay sasakay ako diyan pero,,," di natuloy ni Derick ang sasabihin dahil pinutol sya ni Yola.

"Derick huminahon ka" sabi ni Yola na kinakabahan.

"Ano ang sinasabi ng inyong kaibigan?" tanong ni Yekesha.

Narealize ni Derick ang pagkakamali niya at napakamot siya ng ulo.

Nasabi niya kasi ang mundo ng mga tao gayong tanging sina Graceno lang at Prince Andrexsel ang nakakaalam na galing kami dun.

"Hahaha, na-nagbibiro lamang si Derick Yekesha, pe-pero excited na siya na sumakay sa baraha mo" sabi ko. Sana maniwala si Yekesha.

"Ah ganun ba sige sakay kayo ha." sabi ni Yekesha.

Sumakay na kami sa baraha ni Yekesha.

"Di ba kami mahuhulog dito? " Tanong ko kay Yekesha.

"Hindi ah" sabi ni Yekesha sabay kindat.

Para kaming naestatwa na nakatayo na hindi gumagalaw sa card na kinakaba namin.

"Bakit hindi kami gumagalaw Yekesha!" sigaw ko. Tila tutulo na luha ko sa kaba.

"Para di kayo mahulog" sabi ni Yekesha.

"Eh Sira ka pala" galit na sabi ni Derick.

Lumipad na ang card palabas ng kwarto, isa-isa kami nitong inilipad.

Naging Flying Card hahaha.

Nakarating ang flying card sa mataas na ulap. Nakita namin ang pag-iba-iba ng mga hugis ng mga ulap at paggalaw nito. Merong naging ibon, sumasayaw na girl at boy at iba pang hayop at bulaklak. Kami ay namangha at hindi makapaniwala sa aming nakita.

Ibiniba din kami ng flying card sa isang damuhan. Naupo kami sa damo at pinagmasdan ang kalangitan ng Kingdom of Ivatra. Nasa gitna ako nina Derick at Yola.

"Hindi ako makapaniwala sa nakita natin. Ngayon lang tayo nakalabas at nakita ang ganda at hiwaga ng labas ng Kingdom of Ivatra tulad ng kinikwento ng kasama naming mga Ivatran Warrior na sina Yana at Seon." sabi ni Yola habang pinagmamasdan ang mga ulap na napuntahan namin kanina dahil sa flying card ni Yekesha.

Ako nakalabas na hahaha, at nakita ko na napakaganda nga ng Kingdom of Ivatra. At kasama ko si Prince Andrexsel, napangiti ako ng maalala ko ang paglabas namin sa Palasyo at nakita ko ang ganda ng Kingdom of Ivatra.

At lalo itong gumanda kasi kasama ko siya.

"Pero mas maganda kung makakabalik tayo sa mundo natin." sabi ni Derick na kinagulat ko.

"Makakabalik din tayo sa mundo natin. Huwag kang mainip Derick. Kagaya kanina nasabi mo kay Yekesha na galing tayo sa mundo ng mga tao, huwag tayo padalos dalos" sabi ni Yola.

"Basta gagawa ko ng paraan para makabalik tayo sa mundo natin. Iaalis kita rito Rhia" sabi ni Derick na nakatingin sa akin.

Ngumiti ako ng pilit kay Derick. Agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Wala akong tiwala sa mga tagarito Rhia, lalo na sa kanilang Prinsipe" bakas sa mukha ni Derick ang galit.

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Naging mabuti man na siya sayo o hindi ay hindi maiaalis ang katotohanan na ginawa ka nilang alipin, katulong, ginawa ka nilang katatawanan, kaya hindi ka dapat maniwala sa kanila lalo na kay Andrexsel." sabi ni Derick.

Nagugulat pa rin ako at nakaramdam ng lungkot sa mga sinabi ni Derick.

Tumayo si Yola sa pag-upo at nagsalita. "Derick mas maganda kung sabihin mo na" sabi ni Yola. Kapwa kami ni Derick na kinabahan.

"O-Oo Yola sa tingin ko eto na tamang time para malaman niya" sabi ni Derick.

Naguguluhan ako sa sinasabi nila at kinakabahan.

Lumayo si Yola sa amin. Tumayo si Derick at tinayo niya ako. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at tumitig siya sa akin.

"Ri-Rhia, panahon na para malaman mo ang totoo kong na-naramdaman" sabi ni Derick na pinagpapawisan na at sobrang kaba ng dibdib.

Kinabahan tuloy ako at nacurious sa kung anong sasabihin ni Derick.

Bumuntong hininga si Derick at muli sanang magsasalita.

Nagulat kami ng may lumabas na halimaw medyo malapit sa amin.

Malaki ito at mabalahibong kulay black. Malaki ang mata at mahahaba ang kuko.

writist_j

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now