Chapter 46: Andrexsel and Rhia
Rhia's Point of View
Natulog kami ng magkatabi at magkayakap ni Prince Andrexsel sa kama niya.
Umaga na at nagising kami sa boses na tumatawag sa amin.
"Andrexsel, Rhia" tawag sa amin.
Pinilit naming idinilat ang mata. Kinusot ko muna ang mata ko bago dumilat. Nagulat kami ng Prinsipe ng makita kung sino ang tumatawag.
"I-Inang Reyna Magandang Umaga" sabi ni Prince Andrexsel na pinipigil ang tawa. Kinakabahan naman ako at namumula ang mukha. Umupo kami ni Prince Andrexsel.
"A-Andrexsel, ayoko pang maging lola" sabi ng Reyna at inis ang mukha na humalukipkip.Gulat na gulat kami sa narinig sa Reyna.
Tumawa ng tumawa si Prince Andrexsel at pinaghahampas ang unan. Ako naman ay nayuko at humigpit ang hawak sa kumot.Sobrang hiya ang napifeel ko.
"I-Ina, na-natulog lang kami ng magkatabi ni Rhia, yu-yun lang" sabi ni Prince Andrexsel na pinipigil ang tawa.
"Saka nagkiss kami." sabi ni Prince Andrexsel at kinagat pa niya ang labi niya bago ngumiti.
"Ah ganun ba" sabi ni Queen Imarra Tumingin ito sa akin na iritable, nakaramdam lalo ko ng hiya.
"Sige aalis na ako" sabi ng Reyna at inis na nagteleport na ito paalis sa kwarto ng anak.
"Magandang umaga Mahal, Ganda, I love you" sabi ni Prince Andrexsel at hinalikan niya ang pisngi ko.
"Maganda ding umaga Pangit, I love you too." sabi ko.
"Nakakatawa si Ina hahaha, siguro yung malditang Erka ang nagsumbong kay Ina" sabi ni Prince Andrexsel.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Ngumiti siya "Ganda, yun ang pinakamasayang gabi para sa akin, kaya alisin mo pangamba mo" sabi niya. Hinawakan niya ang aking mukha at hinarap niya ito sa kanya.
Isang mainit na halik sa aking labi ang binigay niya sa akin. "I love you" malambing niyang sambit at ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.
Tinayo niya ko at ng makatayo ako ay niyakap niya ko agad.
"Masaya ba pakiramdam mo sa date natin, Ganda?" malambing na tanong niya.
"Oo Pangit, napakasaya ko" sagot ko.
Pumunta na si Erka dala ang almusal namin na halata ang inis.
"Ito na po ang almusal niyo Mahal, Mahal na Prinsipe, Rhia, napakasarap po ng luto ko, tiyak ko magugustuhan nyo" sabi ni Erka.
"Salamat Erka" sabi ko na nakangiti. Yakap pa rin ako ni Prince Andrexsel.
Pero sinimangutan ako ni Erka at galit na nagteleport agad palabas ng room.
"Malditang Dasre, lagot niyan sa akin pagbalik niya" sabi ni Prince Andrexsel na galit.
"Andrexsel pabayaan mo na, hayaan na lang natin yun" sabi ko na kinakabahan.
Kumalas kami sa aming yakap at kumain na ng almusal namin. Nagsubuan uli kami ng pagkain at nagtititigan.
"Masarap din talaga yung luto ni Erka" sabi ko.
"Pero mas masarap yung luto mo, at masarap yung labi mo" sabi niya na kinagulat ko.
Susubuan niya uli ako pero di ko maibuka ang bibig ko sa hiya sa sinabi niya. Natawa tuloy siya.
"Na sabi mo dati ay malaki ang labi ko" sabi ko at sumimangot. Lalo siyang natawa.
"Sabi ko lang naman dati malaki yung labi mo, wala kong sinabing di masarap halikan" sabi niya at ngumisi.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...