Chapter 1 : Kingdom Of Ivatra
Rhia's Point of View
Tumunog ang alarm clock ng aking Cellphone. Oras na para pumasok sa aming school. 4th year Higschool ako at 17 years old.
Ako nga pala si Rhia Evenir, Simpleng babae na may simpleng mga pangarap, ang maging Mayaman, hehe simple no. At magkaroon ng Boyfriend na gwapo na mayaman pa,yung parang Prinsipe. Pero pangarap lamang yun hays.
Wala kasing nagkakagusto sa akin. Aminado ko na that im Ugly. Malaki ang aking mata at malaki rin ang labi ko.
"Aray!" Binato na naman kasi ko ng mga walanghiya at bitch na girl squad ni Tamira.
Walang silang ginawa kundi ako ay asarin dahil nga sa aking itsura. Sinumbong ko na sila ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang tigil sa pangbully sa kin kahit matatapos na kami ng Highschool.
"Ayaw nyo ba talaga kong tigilan, Matatapos na tayo ng Highschool, tumigil naman kayo." sigaw ko kina Tamira at sa girl squad niya.
Pumamewang si Tamira at nagtaas ng kilay. "Hindi ka namin titigilan pangit."
Lumayo na lang ako sa kanila para pumasok sa aking klase.
"Rhia, buti dumating ka na" bati sa akin ni Derick at tumayo pa ito sa upuan na nag-aalala.
Isa siya sa mga friends ko at kababata pa. Napakapogi niya at may lihim akong crush sa kanya. Ewan ko kung crush din niya ko hehe.
"Bakit nalate ka Rhia? inaway ka na naman ba nina Tamira? talagang sobrang bad nila, diba nareklamo na sila, ay naku ayaw ka pa ding tigilan." Sabi sa kin ng isa ko pang friend na si Yola.
Nababagot na sinagot ko ang tanong ni Yola. "Oo dahil dun at dahil may ginawa pa ko sa bahay"
Dumating na ang aming adviser na bagong teacher sa school na ito. Si Sir Tom Hernandes.
Matanda na siya at hindi pogi. Ang bad ko rin eh hehe.
Tumingin siya sa akin at nagsalita "Rhia sa wakas, ikay aking natagpuan"
nagulat ako sa sinabi niya.***
Biglang nag-iba ang kapaligiran sa aming classroom at may liwanag na kumurap kurap.
Lumakad patungo sa kin si Sir Tom Hernandes at bigla akong hinawakan na kinagulat ko.
"Tayo na sa Kingdom of Ivatra" sabi nya sa akin.
Ako ay nakatulog.
Paggising ko ay nasa loob kami at nakatayo sa isang kwarto, Yes kami. Kasama ko rin ang mga friends ko na sina Yola at Derick.
"Na-nasan tayo?" tanong ko kina Derick at Yola. "Napakagandang kwarto" paghanga ko sa kwarto kung nasan kami.
Napakalaki ng kwarto na may mga design pa ng Diamonds at Gold. May kulay blue itong kama na may halong konting gold na desenyo, may kurtina itong kulay gold. May chandelier, mga vase pero walang bulaklak na nasa maliit na aparador, book shelves, mamahalin at magarang mga aparador at upuan. Maraming pinto kung nasan ang iba pang rooms na nasa loob din ng room.
"Grabe napakaganda. Pa-parang isang Prinsipe o Prinsesa o Hari at Reyna ang nakatira dito" sabi ko habang nililibot pa din ng aking paningin ang room.
Biglang may lumabas mula sa banyo ng kwarto. Isang Napakagwapong lalaki. Matipuno ang katawan nito. Napakaganda ng kanyang blue Eyes. At may mapulang lips at napakatangos na ilong at may kulay brown na buhok.
"Oh My God ang gwapo!" hindi ko napigilan ang aking bibig dahil sa pagkamangha sa kagwapuhan ng lalaking aking nakita haha.
Pero napatakip din ako ng mata dahil napansin kong nakatapis lang sya ng tuwalya hehe.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...