Chapter 7: Fear

451 215 7
                                    

Chapter 7:  Fear

Rhia's Point of View

"Got to believe in magic tell me how two people find each other in a World that's full of strangers, Got to believe in magic. Something stronger than the moon above cause it's magic when two people fall in love." kanta ko habang naglilinis pa rin ng kwarto ni Prince Andrexsel.

"Maganda pala boses mo, Dasreng pangit." sabi ni Prince Andrexsel na kinagulat ko. Kababalik lang niya sa kanyang kwarto at  galing siya sa pagpupulong sa Venriva Room o kanyang opisina.

"Te-Thankyou Ka-Kamahalan" pasasalamat ko na nahihiya.

"Boses mo lang maganda, yung mukha mo saksakan ng pangit." nababagot niyang sagot.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Minsan pag mga baliw di dapat pansinin ang kabaliwan.

"Ipagluto mo ko ng tanghalian, kakain kami ng aking ina sa Damira Room Dasreng pangit" utos ni Prince Andrexsel.

Hininto ko ang paglilinis at pinagluto sya ng tanghalian sa Fedrena Room na nakasimangot. Pagkatapos kong maluto ay dinala ko ito sa Damira Room o dining room ng palasyo at inihain kay Prince Andrexsel.

Nakita kong muli si Queen Imarra. Napatingin kami sa isat-isa at nakaramdam ako ng kaba pero iniwas din niya agad ang tingin sa akin.

Pumunta uli ako sa Fedrena Room para magluto ng aking tanghalian at kumain.

May lumapit sa akin."Hi ikaw yung Personal na Dasre ni Prince Andrexsel diba? ano ang name mo?" tanong nito na kinagulat ko.

"Ah A-ako si Rhia" sagot ko na kinakabahan.

"Ako nga pala si Erka, isang Fedre. Alam mo ba ang swerte mo na ikaw ang napili upang maging Personal na Dasre ni Prince Andrexsel. Kasi lagi mo siyang makikita at makakasama." sabi niya at umismid. "Gusto ko nga ring maging Personal na Dasre niya kaso ikaw ang napili, at Fedre ako o tagaluto. Kung ako magiging Personal niyang Dasre ay aakitin ko siya kasi hinahangaan ko talaga siya. At alam ko maaakit siya sa akin, kasi maganda ako at sexy."ngumisi siya. Tila sarkastiko rin ang pagsasalita niya.
"Lalo na at wala pa siyang girlfriend." kumislap ang mata niya at ngumiti. "Kaya malaki ang pag-asa ko sa kanya."

"Wa-Wala pa siyang Ge-Girlfriend?" tanong ko na nagulat sa narinig.

"Oo" ngumisi siya. "Ikaw hinahangaan mo rin ba ang prinsipe?"

"Hi-Hindi." sagot ko na kinakabahan.
tumawa naman si Erka. Pinagtatawanan pa niya ko eh talaga namang hindi ko hinahangaan ang mayabang na yun!

***

Samantala ay nag-uusap si Prince Andrexsel at Queen Imarra sa Damira Room.

"Baka naman magkagusto ka sa Personal mong Dasre Andrexsel." biglang sinabi ng Reyna na kinagulat ni Prince Andrexsel.

Tumawa si Prince Andrexsel."Mahal kong Ina, huwag na nating pag-usapan ang mga ganyan, dahil sa mga problema ay kung ano-ano ang iniisip niyo."

"Nararapat lang, hindi ka dapat magkagusto sa ibang babae, kailangan mong gawin ang nais ko" sabi ni Queen Imarra.

Nainis si Prince Andrexsel sa sinabi ng Ina at hindi na nito napigil na tumayo.

"Paumanhin Ina, ngunit hindi ko na itutuloy ang pagkain" sabi ni Prince Andrexsel at nagteleport ito paalis ng Damira Room.

***

Pumunta uli ako ng kwarto ni Prince Andrexsel at nakitang nakahiga ito.

Napatingin siya sa akin ng maramdamang dumating ako.
"Tuloy mo na paglilinis mo." utos nya.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now