Chapter 32: Pag-uusap

199 48 0
                                    

Chapter 32: Pag-uusap

Rhia's Point of View

Kahit ayaw kong pumasok ay sumama na din ako papasok sa palasyong gusali. Di ko mapigilang mamangha sa ganda ng lugar kung nasan kami. Ang kisame ay puro bulaklak maging ang ibang parte. May kurtinang kulay violet na kumikislap.
At may fountain na pinaliligiran ng mga cute little fairies.

"Napakaganda." sabi ko na namamangha sa nakikita ko.

"Ito ang Haren ng Florer Nessa Country, palasyo ni Haresiya Seuneda." sabi ni Prince Andrexsel.
Nawala ang pagkamangha ko ng marinig ang sinabi ni Prince Andrexsel at napalitan ng lungkot.
"Napakaganda, parang si Haresiya Seuneda hahaha." sabi niya na ikinainis ko. Inalis ko ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Natawa siya ng makita ang galit kong mukha.

"Dati na kong nagpupunta rito, tuwing mag-uusap kami ni Haresiya Seuneda, at sinasabi kong napakaganda niya." sabi niya at ngumisi.

Nagkuyom ang kamao ko sa galit. Parang gusto kong manuntok sa galit. Babagsak din ata ang mga luha ko.

"Tayo na Rhia." hinawakan niya ang kamay ko. Nagteleport kami tungo sa opisina ni Haresiya Seuneda.

Nakita naming nakaupo si Haresiya Seuneda sa trono niya na may mga magagandang flowers. May maliit na lamesa na may flower design din.
May mga food na nakahain sa lamesa pati parang lagatena. May hawak na cute na Dachi si Haresiya Seauneda na tila alaga niya.
Nakasuot ng green sexy dress si Seuneda. Nadedesenyohan ito ng mga bulaklak na maliliit sa itaas at ibabang bahagi nito. Kita ang legs niya.

Maputi si Haresiya Seuneda, Straight ang mahaba niyang green hair. May bulaklak sa magkabilang bahagi ng buhok niya. Green ang Eyes niya at mapula ang kanyang labi. Napakaganda niya. Siya ang Pinakamagandang babae sa Kingdom of Ivatra.

Nagningning ang mata ni Haresiya Seuneda ng makita si Prince Andrexsel at agad siyang tumayo.
Lumapit siya kay Prince Andrexsel at niyakap niya ito. Sobra kong nagulat at napalakad konti palayo sa kanila.

"Masaya akong pumunta ka rito, Mahal kong Prinsipe." sabi ni Haresiya Seuneda.

Pinagmamasdan ko lang ang pagyakap ni Haresiya Seuneda sa Prinsipe habang kumikirot ang puso ko. Ano ba itong nadarama ko? Hindi ito tama.

Hindi ako makakilos at natulala na lang. Wala man lang ginagawang aksyon si Prince Andrexsel. Hindi niya man lang pinigilan o pinahinto si Haresiya Seuneda sa pagyakap nito sa kanya.

Sa wakas ay nahinto rin ang pagyakap ni Seuneda.  "Salamat at hinayaan mo kong yakapin ka Mahal ko." sabi ni Haresiya Seuneda at ngumiti ng nang-aakit. Ngumisi naman si Prince Andrexsel.

Iniwas ko na ang tingin ko. Hindi ko na kaya mahihimatay ata ako. Sobrang sakit ng puso ko.

Pero napalingon ako sa kanila sa sunod na sinabi ni Haresiya Seuneda.
"Ngayon hayaan mo naman na halikan kita." nang-aakit niyang sabi.

Inilapit ni Seuneda ang mukha niya sa mukha ni Prince Andrexsel.

Ngunit biglang

Tinakpan ng kamay ni Prince Andrexsel ang labi ni Haresiya Seuneda at agad lumayo sa Haresiya.
"Hahaha, Seuneda Baliw ka." sabi ni Prince Andrexsel.

Si Haresiya Seuneda ay hindi makagalaw at natulala.
"Hahaha ang landi." sabi ni Prince Andrexsel. Tawa siya ng tawa.

Maging ako rin ay natulala, pero nakahinga na ko ng maluwag. Kala ko makakakita ko ng Kissing Scene.

Bumalot ang hiya at inis kay Haresiya Seuneda at nakagalaw na din siya.
Tumatawa pa rin si Prince Andrexsel, at lalo itong tumawa ng tumingin sa akin at makita ang reaksyon ko.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now