Chapter 10: Kemin
Yola's Point of View
Pumasok ako sa aking kwarto sa Ivatran Warriors Room at umiyak matapos ang mga sinabi ni Vire sa akin. Kumatok at tumawag si Derick sa labas at pinagbuksan ko sya ng pinto habang umiiyak. Sinarado ni Derick ang pinto at umupo kami sa kama ko. Patuloy pa rin ang aking pag-iyak.
"Sabi ko naman kasi sayo Yola dapat nagpahard to get ka muna dyan kay Friyan at ngayon mo lang siya nakilala, nasaktan ka tuloy at naaway pa girlfriend niya." sabi ni Derick.
"Derick na love at first sight kasi ata ako kay Friyan haha, gusto ko talaga siya, yun nga lang may nobya na siya at naging sanhi pa ko ng paghihiwalay nila." pinunasan ko na ang luha ko. "Nasaktan pa tuloy ako ngayon."
"Hindi kita pinagsasabihan Yola para masaktan ka kundi para maitama ang pagkakamali mo." sabi ni Derick."Inaalala ko rin si Rhia. Miss ko na talaga siya Yola." nagkuyom ang kamao niya at napaiyak na din.
"Uy ano ka ba Derick sinabayan mo pa ko sa pag-iyak, kala ko nandito ka para damayan ako haha." sabi ko.
"Sorry Yola naalala ko lang kasi si Rhia." sabi ni Derick at pinunasan ang luha sa mata niya.
"Ok lang yun Derick, nag-aalala din ako kay Rhia eh." sagot ko. Pinunasan ko ang luha sa mata ko.
"Di muna ko lalabas, nais ko na dito muna ko ngayong araw."Rhia's Point of View
Umaga na sa Kingdom of Ivatra,
Pagkagising ko ay nagulat ako na makita si Prince Andrexsel na gising pa rin at binabantayan ako. Hinipo nya ang aking noo. "Hindi ka na ganong mainit Dasre." sabi ni Prince Andrexsel. Inalalayan nya ko na umupo at pinunasan ng dimpo na basa."Kamahalan hindi ka natulog? " tanong ko na may pag-aalala.
"Wala kang pakialam pangit." sagot nya na nagpatawa sa akin. Ang sungit pa din niya.
Kinuha nya ang almusal ko na nasa upuan at sinubuan nya ko. Nakatingin lang ako sa kanya na takang-taka sa ginagawa nya.Pagkakain ay pinainom nya ko ng tubig at pinunasan ang labi ko ng panyo. Pinainom nya ko ng Grees, pagkainom ng Grees ay inalalayan nya ko na humiga uli.
"Kamahalan Maraming Salamat ha." pasasalamat ko kay Prince Andrexsel.
Pagkaraan ay pinikit ko ang aking mata para makatulog. Matapos ang tatlong araw na lagnat ay gumaling na ako. At dumating na din ang araw ng pagparusa sa akin ng kamatayan.
Bumangon ako sa aking kama at umupo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Napaisip ako.Tuloy pa kaya ang parusa sa akin gayong inalagaan at binantayan ako ni Prince Andrexsel ng may sakit ako? Baka naman gusto ni Prince Andrexsel ay wala akong sakit at malakas ako pag pinapatay nya ko hehe.
Naalala ko ang pag-aalaga nya at pagbantay sa akin ng may sakit ako. Napangiti ako at bumilis ang tibok ng aking puso ng maalala ko yun.
Teka Rhia parang kinikilig ka pa yata dyan eh hindi pa nga sure kung ligtas ka sa parusa. Nasabi ko sa king sarili.
Saka di ako dapat kiligin no. Ginawa nya iyon bilang pasasalamat sa akin sa pag-alaga at pagbantay ko sa kanya ng may sakit din sya. Saka galit ako sa kanya dahil sa kayabangan nya at panlalait at ginawa nila ko ni Graceno na katulong nya o Dasre. Kaya di ako dapat kiligin!
Nagpalakad lakad ako sa kwarto ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Pero nagdesisyon din akong hawakan ang medalyon na bigay ni Graceno at nagteleport papunta ng kwarto ng Prince Andrexsel.Nakita ko na naglalaro sila ni Kemin sa kama nya. Lumapit sa akin si Kemin. Napatingin naman kami sa isat-isa ni Prince Andrexsel.
Iniwas ko din agad ang tingin ko sa kanya upang batiin si Kemin. "Good morning cute Kemin." bati ko kay Kemin at ngumiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/151056618-288-k154386.jpg)
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasíaSi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...