Chapter 12: The Enemy
Yola's Point of View
Habang nagsasanay sa pag-eespada ay nakita kong lumabas sina Friyan at Vire sa room ni Prince Andrexsel sa Ivatran Warriors Room. Sabay silang naglakad patungo ng kwarto ni Friyan. Nakaramdam ako ng selos. Pero inalis ko agad ang pag-iisip tungkol kina Friyan at itinuon ang isipan ko sa pagsasanay. Kailangan kong isipin kung paano kami makaalis sa lugar na ito kesa sa kanila. Dapat yun ang gawin ko kesa umarte kay Friyan at pagalitin ang girlfriend nyang si Vire. Ay naku Yola hindi ka na talaga nagbago. Naka 4 boyfriend ka na nga tapos ang bilis mong nainlove sa Ivatran na si Friyan haha.
Vire's Point of View
Pumasok kami ni Friyan sa kwarto nya sa Ivatran Warriors Room.
Pagpasok ay niyakap ko sya pero inalis agad ni Friyan ang yakap ko sa kanya at umupo sya sa upuan.Natawa tuloy ako."Pano yan Friyan? edi di mo na ko papatayin gaya ng banta mo kasi magkakaanak na tayo hahaha." sabi ko at humalukipkip.
Napasimangot si Friyan. Bakas ang pagkainis at pagkadismaya sa kanyang mukha."Ikaw ang may kasalanan Vire kaya pinagbantaan kita." sagot ni Friyan.
"Hahaha, ako may kasalanan Friyan? Si Yola ang may kasalanan kasi malandi sya at ginulo nya tayo." sagot ko at inalis ko ang halukipkip sa braso ko.
"Huwag na huwag mong sasaktan si Yola." sabi ni Friyan.Tinitigan niya ko ng may matalim na mata.
Natawa lang ako."Hindi ko sasaktan si Yola mahal kong Friyan hahaha." sagot ko.
Rhia's Point of View
Hapon na ng akoy magising sa aking kwarto sa Dasre Room. Nakita ko si Prince Andrexsel na nakaupo sa upuan at nakatingin sa akin.
Bumangon ako sa aking kama at umupo."Magandang hapon Ka-Kamahalan." bati ko kay Prince Andrexsel na namumula ang pisngi at kinakabahan.
"Magandang hapon Rhia." bati ni Prince Andrexsel sa akin na walang emosyon. Ngumiti ako kay Prince Andrexsel pero sya ay hindi ngumiti.
Nagulat ako ng umupo sya sa tabi ko sa aking kama.Nakaramdam ako ng hiya at kaba. Tumingin sya sa akin at tiningnan ko rin sya. "Rhia magkwentuhan tayo para malibang tayo." sabi nya na kinagulat ko.
"Sige Kamahalan." sagot ko at ngumiti ako at ngumiti rin siya sa akin. Ang ganda ng smile niya lalo syang gumuwapo hehe.
Kinuwento nya sa akin ang mga kasalbahian nya at mga kalokohan nung bata sya. Kapwa kami tawa ng tawa. Nagulat ako ng kilitiin nya ko sa bewang ko. "Tawa ka ng tawa Rhia hahaha." sabi nya ng kilitiin niya ang bewang ko.
Hinampas ko sya ng mahina sa kanyang braso matapos nya kong kilitiin. Namula ang aking mukha at nahiya din ng maisip ang ginawa.
Ngumisi si Prince Andrexsel.
"Lagot ka Rhia, darating ang mga Regaso at dadalhin ka nila sa Regaso Room para parusahan ka sa paghampas mo sa braso ko hahaha."sabi nya.Tinawanan ko sya at kiniliti na naman nya ko sa aking tiyan, kaya kiniliti ko rin siya sa tiyan nya. Tumawa siya ng tumawa. Nakaramdam uli ako ng hiya at kaba. At naalala ko na meron syang Abs, lalo kong nahiya at namula ng husto ang mukha ko hahaha.
"Sorry Kamahalan." sabi ko na nakayuko at nahihiya.
"Bakit ka nagsosorry? masaya nga tayo." sabi nya at ngumiti sya sa akin.
Ang ganda talaga ng smile nya. Napakagwapo talaga ni Prince Andrexsel."May boyfriend ka na ba Rhia?" biglang tanong nya na sobra kong kinagulat.
"Wa-Wala, Ka-Kamahalan." sagot ko na kinakabahan.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...