Chapter 41: Kenna

126 24 1
                                    

Chapter 41: Kenna

Yola's Point of View

Si Yekesha ay tineleport kami ni Derick sa isang blue field na kalapit ng dagat at isang forest na pinaghalong kulay blue at white ang kulay. Nagulat ako ng magkaroon ng butas sa field na may hagdanan pababa.

"Halika kayo, pupunta tayo sa Lensefora" aya ni Yekesha sa amin na aming kinagulat.

"Le-Lensefora?" tanong ko.

"Oo, tayo na mga friends" sabi ni Yekesha na nakangiti.

Bumaba kami patungong sinasabi ni Yekesha na Lensefora.

Sa pagbaba namin ay kulay blue na lupa at puting pader ang aming dinaanan. Simple lang ito.

Pero sa patuloy naming paglalakad ay naging kakaiba at kamangha-mangha ang paligid.

Sa magkabilang gilid na aming dinadaanan ay may blue green na tubig at mga pader na pabilog na pinaghalong violet at white.

Nakakamangha.

Patuloy kami sa paglalakad hangang sa marating namin ang sinasabi ni Yekesha na Lensefora.

"Mga Friends nandito na tayo sa Lensefora" nakangiting sabi ni Yekesha.

Nakita namin ni Derick ang maliliit na bahay na bilog na may puting kahoy na tusok-tusok sa ibabaw. May bahay na kulay Blue, kulay Red, kulay Gold, at kulay Brown. Kumikislap ang mga bahay.

"Ang cute naman, nakakamangha" sabi ko na kumislap din ang mata.

Si Derick ay seryoso pa rin at walang reaksyon. Si Rhia pa rin ang iniisip niya.

Nagulat kami ng lumabas sa bahay ang mga cute na parang mga Elfs.

"Nandito tayo sa Lensefora sa Maviya Mava Country, tahanan ng mga Lenym, mga Little Magician o Little Maraseris ng Maviya Mava Country at Kingdom of Ivatra." sabi ni Yekesha at ngumiti.

Lumapit sa amin ang isang pamilya ng mga Lenym. Nakasuot sila ng korona na gold at kulay gray na damit. May malaki silang buntot na cute na kulay pink at pink na pakpak. May malaki silang tenga. Kulay gray ang buhok nila at kulay blue green ang eyes nila.

"Kamusta Hivre Yekesha, sino ang mga kasama mo?" nakangiting tanong ng babaeng Lenym na aming kaharap.

"Ah Reyna Kenina, sila po sina Derick at Yola, mga bago kong friends" sagot ni Yekesha at ngumiti.

Nagulat ako dahil Reyna ang tawag ni Yekesha kay Kenina.

"Ah ganun ba, mukhang kakaiba sila Yekesha base na rin sa kanilang amoy" sabi ni Kenina na kinagulat ko.

Parang gustong tumaas ng aking kilay dahil na rin sa sinabi ni Kenina tungkol sa amin ni Derick.

Nakakaligo naman kami kahit papano sa Ivatran Warriors Room sa banyo sa aming mga kwarto, kaya tiyak ko na di naman ganun kasama ang amoy namin hehe.

"At mukhang may problema sila na kanilang iniisip" sabi ni Reyna Kenina na kinagulat ko.

Si Derick ay blanko pa rin ang mukha. Sobrang naheartbroken kasi kay Rhia, hays.

Parehas nga pala kaming heartbroken hahaha.

"Ang cu-cute ni-nila mama, shiwi" sabi ng cute little girl na mas maliit kay Kenina.

"Hahaha, ang cute mo din anak Kenna" sabi naman ni Reyna Kenina at niyakap si Kenna.

Grabe ang cute nila, kung nandito lang siguro si Rhia ay matutuwa yun dahil tuwang-tuwa yung si Rhia sa mga cute hehe.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now