Chapter 24: The Nightmare

180 59 0
                                    

Chapter 24: The Nightmare

Rhia's Point of View

Ngiting-ngiti si Prinsipe Andrexsel habang binabasa ang letter ni Haresiya Seuneda.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit.

Bagay na bagay din sila ni Haresiya Seuneda, ang pinakamaganda at pinakagwapong lalaki sa Kingdom of Ivatra.

Nagulat ako ng tumingin sa akin si Prinsipe Andrexsel. Nakangisi ito.

Lalo kong kinabahan ng lumapit siya sa akin. Nakangisi pa rin siya.

Iniabot niya sa akin ang sulat.

"Basahin mo" sabi niya na nakangisi. Baliw talaga siya.

"Ba-bakit ko ba-babasahin, sulat iyan ng gi-girlfriend mo" sabi ko.

Tumawa ng tumawa si Prinsipe Andrexsel.

"Girlfriend? Hahaha, diba sabi ko sayo wala kong girlfriend" sabi niya at kinurot na naman ang pisngi ko.

"Basahin mo na" sabi niya

Binasa ko na para matahimik na siya.

"Aking Prinsipe, Gusto rin kita at sobrang nagwagwapuhan ako sayo, aaminin ko pag sinasabi mong gandang ganda ka sa akin, na ako ang pinakamagandang babae sa Kingdom of Ivatra ay kinikilig ako. Ikaw ang gusto ko at mahal ko Kamahalan at hindi si Haresiyo Eridelo na walang kwenta kaya papatigil ko na ang panliligaw niya dahil wala siyang pag-asa sa akin. Pumunta ka Aking Prinsipe sa aking Haren at pagsaluhan natin ang masarap na halik, Mahal din kita Andrexsel, pakiusap huwag mong pakasalan si Arviena

Nagmamahal Haresiya Seuneda"

"Ta-tapos ko ng ba-basahin Kamahalan" sabi ko na nanginginig na inabot sa kanya ang sulat ng kanyang Very Pretty Seuneda.

Tumatawa na naman ang baliw na Prinsipe.

"Ano masasabi mo Rhia?" sabi niya na nakangisi.

"A-anong ma-masabi Kamahalan? Wa-wala akong dapat sabihin" sabi ko at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ang landi rin si Seuneda hahaha" sabi niya.

Napasimangot ako "Ikaw ang nag-umpisa Kamahalan, ikaw naman ang nagsabi sa kanya na sobra kang nagagandahan sa kanya, hinay-hinay sa pagsasalita mo ng malandi sa mga babae" sabi ko.

Nagulat ako ng takpan niya ang labi ko ng kamay niya.

"Itigil mo yang malaki mong bunganga at labi Rhia, lagi mo kong kinokontra" sabi niya.

Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa labi ko pero hindi ko matanggal, ang lakas niya.

"Ok hindi malandi si Seuneda, pupunta ako sa Haren niya at pagsasaluhan namin ang masarap na halik hahaha " sabi ni Prinsipe Andrexsel na nakangisi.

Tinanggal din niya ang hawak sa labi ko.

"Edi gawin mo" sabi ko na nakasimangot at lumayo sa kanya.

Natatawa na naman siya. Lumapit siya sa akin at binuhat ako.

"Matulog ka na" sabi ni Prinsipe Andrexsel.

"Bitawan mo ako Kamahalan" sabi ko.

"Ayoko nga, kailangan mo ng matulog para sa pagsasanay" sabi ni Prinsipe Andrexsel.

Hiniga niya pa rin ako sa kama niya kahit nagpupumiglas ako. Pero nagulat siya ng tumayo ako at lumayo sa kanya.

Hinawakan ko ang medalyon ni Graceno at nagteleport patungong Dasre Room. Laging gulat ko ng may Dasre na nandoon sa room ko dati.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now