Chapter 38: Kakaibang Araw

187 32 3
                                    

Chapter 38: Kakaibang Araw
Dedicated to Keena_Isabela

Rhia's Point of View

Parang naging isa rin akong rebulto na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, dahil sa pinagsasabi ni Prince Andrexsel. Biglang tumawa si Prince Andrexsel na nagpabalik ng aking kamalayan.

"Ri-Rhia, alam ko na-naguguluhan ka rin, pati din naman ako naguguluhan, ka-kasi, ngayon ko lang naramdaman to." sabi ng Prinsipe na kinakabahan.
"Hindi ko to naramdaman kay Seuneda, lalo na kay Arviena, o kahit sinong babae, sayo lang Rhia." sabi niya na kinakabahan.

Nakakagulat nga ang mga sinabi nya at naguguluhan kami pareho.
Pero sa mga nagdaang araw napaparamdam naman niya sa akin ang mga sinasabi niya. Kaya tila nauunuwaan ko rin ang sinasabi niya ngayon. Napaparamdam namin yun sa isat-isa.

Hindi ko nga lang alam kung totoo iyon o niloloko lang niya ako. Sobrang gwapo niya kasi hehe at Prinsipe pa, samantalang ako ay pangit at ordinaryo lamang na galing sa mundo ng mga tao. Isa siyang Napakagwapong Prinsipe ng isang mahiwagang kaharian. Prinsipe na pinapangarap at kinababaliwan ng mga babae dito sa Kingdom of Ivatra.

Pero masaya ako pag kasama ko siya at sinasabi din niyang masaya siyang kasama ako. Para akong nananaginip, parang panaginip lang ito. Tama panaginip lang ito at mamaya gigising ako sa kama ko sa kwarto namin sa Haren ni Haresiya Fresca.

"Rhia." sabi ni Prince Andrexsel. Nawala uli ang pagkatulala ko.

Hindi ba panaginip ito o kalokohan?
Ngayon lang kasi may lalaking nagsabi sa akin na akoy Special sa kanya. At nagtatanong kung pwede akong ligawan hahaha.

Tumawa si Prince Andrexsel, aba pinagtawanan pa yata ako.

"Se-Seryoso ka ba?" finally nakapagsalita na din ako.

"Mukha bang hindi." sagot niya.

Nagtitigan kami."Nasa harapan tayo ng ama kong hari, magsisinungaling ba ko." sabi ni Prince Andrexsel.

"Liligawan kita." sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito.
"Pero sa ngayon ay dapat ko munang solusyunan ang problema kay Graceno hahaha."  Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Hinawakan niya ang kamay ko."Babalik muna kita sa mga friends mo para kumain na kayo, makikipag-usap uli ako sa mga Maraseris tungkol kay Graceno."

"Ama, aalis na kami ni Rhia." sabi ni Prince Andrexsel at hinaplos ang rebulto ng kanyang amang hari.

"Paalam po Mahal na Hari." sabi ko at yumuko bilang pagbibigay pugay sa Hari ng Kingdom of Ivatra.

Nagteleport kami patungong room namin nina Derick at Yola. Nakita kong tulog si Yola, habang si Derick ay gising at nakaupo sa kama niya. Umiiyak si Derick na kinagulat ko at kinabahala. Napatayo agad siya ng makita ako. Agad niya akong niyakap.

Nagulat si Derick ng tanggalin ni Prince Andrexsel ang braso niya na nakayakap sa akin. "Anong ginagawa mo yabang?" tanong ni Derick na nagagalit at naguguluhan.

Ngumisi si Prince Andrexsel at niyakap ako. Nagkuyom ang kamao ni Derick.

"Bitiwan mo siya yabang!" sigaw ni Derick.

Biglang nagising si Yola at napaupo sa nadinig niyang sigaw ni Derick.

Kumalas si Prince Andrexsel sa pagyakap sa akin at ngumisi. "Akin si Rhia, Akin lang" sabi ni Prince Andrexsel na kinagulat namin.

Humarap si Prince Andrexsel sa akin, hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. "Babalik ako." sabi niya.

"Derick!" sigaw ni Yola ng pinalapit ni Derick ang kamao kay Prince Andrexsel. Gulat na gulat na napalingon ako kay Derick.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now