Chapter 37: Special
Dericks Point of View
Nagteleport ako pabalik sa kwarto na aming tinutulugan sa Haren ni Haresiya Fresca.
Mabigat pa rin ang aking pakiramdam at puno ng galit, lungkot at pag-aalala ang puso ko.
Iniisip ko syempre si Rhia na kasama ng Prince Andrexsel na yun na mayabang at masama.
Nag-aalala ko sa kalagayan ni Rhia at nararamdaman niya.
Muli akong nabalutan ng Black na usok na tulad ng nakita ko kagabi nung hindi ako nakatulog sa pag-iisip kay Rhia at hinanap ako ni Yola.
Kinakabahan ako habang bumabalot ang usok sa akin.
***
Nawala din ang usok at nakita ko uli ang lalaking parang bakla na Black Magician na tila katumbas ni Graceno.
Si Grevo, ang Punong Maraseris ng Black Kingdom of Griya.
"Maligayang pagbabalik sa Black Kingdom of Griya, Derick" sabi ni Grevo na kinikilig sa akin.
Bakla talaga!
"Anong maligaya, ayoko ngang pumunta dito" sabi ko na galit.
"Talaga Derick?" narinig ko uli ang tinig na iyon. Nakakakilabot na tinig.
"Magandang umaga Kamahalan, Princess Laraneva, Prinsesa ng Black Kingdom of Griya" sabi ni Grevo.
Kinabahan ako ng makita muli ang Prinsesa ng Black Kingdom of Griya. Nakakatakot siya.
Nakakatakot siya tignan ngunit may maganda din siyang mukha. Kulot nga lang at mukhang bruha ang black hair niya.
Tapos black pa ang kuko niya at yung suot niyang gown.Kulang na lang pati balat niya maging black na, pero maputi kasi siya at red ang lipstick niya.
Nasa kwarto ako ni Princess Laraneva, na syempre Black pa rin.
Kinakabahan at natatakot ako ng palapit na ang Prinsesa ng kadiliman at naglalakad palapit sa akin.
Lalo kong natakot ng hawakan niya ang pisngi ko. Agad kong inalis ang kamay niya.
Tumawa siya.
"Derick, huwag kang matakot sa amin, gaya ng sinabi ko sayo, nung una kang napunta rito, hindi kami kaaway" sabi ni Princess Laraneva.
"At bakit ako maniniwala sa inyo, parehas lang kayo ng Kingdom of Ivatra na hindi pagkakatiwalaan, o mas higit kayong hindi mapagkakatiwalaan dahil itsura pa lang ninyo hindi na katiwa-tiwala" sabi ko na galit.
Muling natawa si Princess Laraneva.
"At pagkakatiwalaan mo ang isang Prinsipeng naglalayo sayo sa babaeng Mahal mo?" tanong ni Laraneva na nakangisi.
Nagulat ako at nakaramdam ng galit sa sinabi niya.
"Pagtatanggol mo ang kahariang maaaring magpahamak sa inyo, lalo na kay Rhia" sabi ni Princess Laraneva.
Nagkuyom ang aking kamao. Lalo kong naguguluhan.
"Bakit? Paano? Bakit at paano nga ba ako napunta sa lugar na to?" tanong ko na nagtataka pa rin kung bakit at paano ako napunta sa Black Kingdom of Griya.
Tumawa si Princess Laraneva. Nakakakilabot ang tawa niya.
"Hindi na importante yun Derick, ang mahalaga ay magtulungan tayo upang matalo ang Kingdom of Ivatra" sabi ng Prinsesa.
"Sira ba ulo mo, hindi ako makikipagtulungan sa inyo, ang gusto ko ay umalis dito at bumalik na sa mundo namin" sabi ko.
"Tulad ng sinabi ko maaari ka naming tulungan na makabalik sa mundo nyo, yun ay kung makikipagtulungan ka sa amin" sabi ni Princess Laraneva.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasiSi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...